^

PSN Showbiz

Mark bina-blackmail at kinakaya-kaya nang naanakan?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Guest namin sa Startalk noong Linggo si Mark Herras dahil sa promo ng huling linggo sa telebisyon ng Rhodora X.

Lumapit sa akin si Mark para ibigay ang imbitasyon sa binyag ng kanyang anak na si Ada.

Ang sabi ni Mark, ayaw raw akong paimbitahan ni Dianne Evangelista, ang ina ng bagets, dahil baka ikuwento ko raw sa ibang mga reporter. Ipinaglaban daw niya na maimbitahan ako bilang ako ang kanyang manager at nanay-nanayan.

 Na-appreciate ko ang honesty ni Mark dahil sinabi niya sa akin ang “the truth and nothing but the truth”, pero walang dapat ipag-alala si Dianne dahil wala akong balak na pumunta sa binyag ng kanilang anak.

Naawa lang ako sa bata dahil inilihim na nga ang pagbubuntis sa kanya, pati ang binyag niya, secret pa rin na prerogative ng nanay niya.

Nabawasan na rin ang mga ninong at ninang ng bata dahil in-edit ni Dianne ang ibang mga pangalan na hindi niya siguro type na maging god parents ng kanyang anak.

Ano kaya ang explanation ni Mark sa kanyang close friends na nasabihan niya na ninong at ninang sa binyag ni Ada pero biglang naitsa pwera?

Uulitin ko, walang dapat ipag-alala si Dianne dahil kahit anino ko, hindi niya makikita sa binyag ng bata sa May 28 sa St. Peter & Paul Church at sa reception sa Max’s Restaurant. Isa lang ang wish ko, huwag sanang magamit ang bagets sa mga emotional blackmail kay Mark.

Joey at Coney 30 years hindi nagkita

Sa liit ng mundo ng showbiz, more than 30-years na hindi nagkita sina Papa Joey de Leon at Coney Reyes.

Ito ang valid explanation kaya napaiyak si Papa Joey sa one-on-one interview niya kay Coney sa Startalk noong Linggo.

Na-miss ni Papa Joey ang magandang samahan nila ni Coney na co-host nila noon sa Eat Bulaga. Former co-host si Coney ng Student Canteen at natatandaan ko na big news noon ang pag-oober da bakod niya sa Eat Bulaga dahil sa ang dalawang programa ang magkaribal.

Matagal nang nag-goodbye sa ere ang Student Canteen pero naririyan pa rin ang hindi matinag-tinag na number one noontime show, ang Eat Bulaga.

Startalk balik-Sabado na uli

Totoo ang tsismis na starting May 31, mapapanood na uli tuwing Sabado ang Startalk at ikinatuwa ito ng aming loyal viewers na nagsabi na naging habit na nila na panoorin ang aming programa tuwing Sabado.

Nalaman ko noong Biyernes na ibabalik sa Sabado ang Startalk na inilipat sa araw ng Linggo noong January 26, 2014.

Four months later, balik-Sabado na uli ang inyong favorite showbiz oriented talk show. Asahan ninyo na mas maiinit at kontrobersyal na balita ang aming ihahatid sa inyo tuwing Sabado.

Maegan parang bomba ang mga kuwento tungkol sa ama at sa asawang minor

Ang daming pimples sa mukha ni Maegan Aguilar nang umapir ito sa Startalk noong Linggo.

I’m sure, bunga ng sobrang stress ang naglalakihan na pimples ni Maegan dahil sa away nila ng kanyang tatay na si Freddie Aguilar.

Maraming off the record na kuwento si Maegan na hindi ko na sasabihin para hindi na lumaki pa ang gulo sa kanilang pamilya.  Tiyak na maeeskandalo ang Aguilar family kapag nalaman nila ang mga unedited at tunay na explosive na kuwento ni Maegan na walang-wala sa bokabularyo na makipagkasundo at patawarin ang kanyang ama.

vuukle comment

DAHIL

DIANNE

EAT BULAGA

LINGGO

MAEGAN

NIYA

PAPA JOEY

SABADO

STARTALK

STUDENT CANTEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with