^

PSN Showbiz

Kathryn pressured sa pagiging princess of Philippine movies

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Tuluy-tuloy na ang shooting ng pelikulang She’s Dating a Gangster na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Da­niel Padilla (DJ). Inamin ni Kathryn na nakararamdam siya ng pressure sa tuwing may bagong proyekto na ginagawa. “Every soap, every movie, palagi naman ‘yung pressure pero ngayon excited talaga ako. Maganda ‘yung story and directed by direk Cathy Garcia-Molina. Itong movie namin, napi-pressure ako pero mas excited ako,” nakangiting bungad ni Kathryn. Kamakailan ay nakamit ng dalaga ang titulong Princess of Philippine Movies mula sa Guillermo Mendoza awards at si Daniel Padilla naman ang itinanghal na Prince of Philippine Movies.

“Nagulat ako and maraming-maraming salamat sa grupo ng Guillermo sa another award na ibinigay nila sa akin and hindi pa ako masyadong nakakagawa ng maraming pelikula gaya ng iba, pero ibinigay nila sa akin ito. Maraming salamat and marami pa kayong aabangan na pelikula sa susunod,” pahayag ni Kathryn. Samantala, ngayong pinag-uusapan ang pinakabagong edis­yon ng Pinoy Big Brother ay gusto rin daw ng aktres na makapasok at maranasan kung paano mamuhay sa loob ng bahay ni Kuya.

“Oo nga eh, no’ng pinapanood ko ‘yun naisip ko, ‘Hala baka pumasok si DJ sa Bahay ni Kuya, gusto ko rin!’ Ever since dream ko pumasok sa Big Brother house tapos ngayon kasama pa si Jane (Oineza). Nagulat talaga ako no’ng pinapanood  ko, and nakakatuwa kasi may isang housemate na fan ni Enrique (Gil) and may isa kay DJ so nakakaaliw,” pagtatapos ni Kathryn.

Dahil sa lolo, XIAN nakaka-relate sa Captain Barbell

May bulung-bulungan, na si Xian Lim daw ang posibleng gumanap bilang si Captain Barbell na malapit na ring gawin ng Kapamilya network. “Excited kung totoo man ‘di ba? Kung mangyari man, I will be forever grateful. Siyempre sobrang that’s an achievement kung mangyayari ‘yun,” reaksyon ni Xian sa nasabing balita. “May mga nakikita rin ako siyempreng mga online voting. So siyempre ‘yung mga supporters they really get excited to the point na gagawa sila ng kani-kanilang voting. So siyempre nakikita ko rin ‘yung efforts nila and I’m sure excited na din sila na makita ako back on TV. So maraming salamat, sinusuportahan nila ako doon,” dagdag ng aktor. Nakahanda naman daw si Xian kung sakaling sa kanya nga ibigay ng management ang nasabing proyekto.

“Isang dream role ‘yan para sa kahit sinong aktor. Kung ika-cast nila ako do’n, reding-ready,” pagtatapat ng binata. Napanood din daw ni Xian ang pelikulang Captain Barbell na pinagbidahan noon nina Herbert Bautista at Edu Manzano. “Kasi dati ‘yung lolo ko…napapanuod ko. It’s Edu Manzano pa siya and Herbert Bautista, nakapanood na ako ng clips pero hindi pa ‘yung kabuuan,” kwento ng binata.            -Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

BIG BROTHER

CAPTAIN BARBELL

CATHY GARCIA-MOLINA

EDU MANZANO

HERBERT BAUTISTA

KATHRYN

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with