^

PSN Showbiz

Jennylyn masaya sa pagpapakasal ni Patrick!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mapapaamin kaya ni Regine Velasquez si Lovi Poe na girlfriend na nga ito ni Rocco Nacino?

Ang galing kasi magpaamin ni Regine sa mga guests niya sa Sarap Diva. Kaya abangan sa Sabado ng umaga kung paano i-share ni Lovi ang kanyang love life kasabay nang inihanda niyang Hawaiian Garlic Shrimp. Kasama si Alessandra de Rossi na mukhang happy namang single lang. Pero masarap ang inihanda niyang Osso Buco Stew.

PAK: Inamin ni Cheska Garcia na pinaplano na ngayon nina Patrick Garcia at ng non-showbiz partner nito na magpakasal.

May mga pag-uusap na raw, pero hindi pa raw niya alam kung kailan. Natutuwa raw siya para sa kapatid niya dahil malaki raw ang ipinagbago nito magmula nung nakare­lasyon nito ang kanyang non-showbiz girlfriend.

Nandiyan daw sila ni Doug Kramer na sumusubaybay sa dalawa, lalo na’t close daw si Cheska sa girlfriend ng kapatid niya.

Natutuwa raw siyang tingnan ang kapatid niya na masaya sa partner nito kasama ang anak nilang babae.

Sabi ni Cheska, “I think my brother is ha­ving a good relationship with his partner right now. They’re taking good care of their relationship and Doug and I are mento­ring both of them. So, I think they’re on the right track.”

Pagdating kay Jennylyn Mercado ay ayaw magkomento ni Cheska. Very sensitive daw ang topic na ‘yun kaya ayaw na raw niyang magsalita, pati sa pamangkin niyang si Alex Jazz.

BOOM: Ipinarating namin kay Jennylyn ang k­uwentong balak nang magpakasal ni Patrick, at masaya siya sa ama ng kanyang anak.

Sabi niya, “Siyempre masaya ako for Pat na… siyempre naging parte rin naman siya ng buhay ko.

“Forever siyang part ng buhay ko dahil nga kay Jazz ‘di ba? Happy ako na ang father ni Jazz ay masaya na ‘di ba? Tahimik na ang buhay, stable na. Happy ako for him.”

Open na rin naman daw siya sa posibilidad na isa sa mga araw na ito ay makilala ng anak niya ang kapatid niya kay Patrick at okay lang daw ito sa kanya.

Malaki rin ang pasasalamat niya sa Diyos na tuluy-tuloy ang blessings na dumarating sa kanya na trabaho dahil ayaw naman niyang iasa na kay Patrick ang pagpapalaki sa kanilang anak. Solo raw niyang itataguyod ang pagpapalaki kay Alex Jazz.

Ang latest na blessing na tinutukoy ni Jennylyn ay ang bagong endorsement nito sa Glutalight soap ng Personal Collections.

vuukle comment

ALEX JAZZ

CHESKA

CHESKA GARCIA

DOUG AND I

DOUG KRAMER

HAWAIIAN GARLIC SHRIMP

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with