^

PSN Showbiz

Magaling na aktres tinawag na idiot ang mga talk show host

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sinorpresa si Jennylyn Mercado sa taping ng Rhodora X sa kaa­rawan niya  kamakalawa lang.

Pero ang magandang regalong natanggap ni Jennylyn ay ang isa pang endorser na ipinagkatiwala sa kanya.

Pumirma ito ng kontrata sa isang direct selling na kung saan i-endorse niya ang isang beauty product.

PAK: Parehong guwapung-guwapo sina Coney Reyes at Maricel Soriano kay Dingdong Dantes, at napakabait pa raw.

Magkasama sila sa Ang Dalawang Mrs. Real at natutuwa sila sa pagiging mabait at napakaguwapo ng Kapuso Primetime King.

Sabi ni Coney, “Napaka-respectable ni Dingdong, hindi lang respectful ha? Iba ang respectful sa respectable.”

Sabi naman ni Maricel, hindi raw siya puwedeng magkagusto kay Dingdong kahit guwapung-gwapo siya sa aktor. “Gusto mo bang mas maganda pa ang mukha niya sa ‘yo sa gabi?” tili ng Diamond star.

BOOM: Mataray naman ang komento ng isang nagbabalik na magaling na aktres nang tinanong ito tungkol sa mga talk show hosts natin ngayon.

Iba raw kasi nung panahon nila, tala­gang gumagawa raw ng homework kapag merong ini-interview. Ngayon daw ang ibang hosts, halatang nagbabasa ng mga tanong sa idiot board.

“Di ba? Nakadepende sa idiot board? Pag tanggalin mo na ang idiot board, idiot na sila,” mataray na pahayag ni aktres.

Type rin kasi ni magaling na aktres na balikan din ang paghu-host.

vuukle comment

CONEY REYES

DINGDONG DANTES

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAPUSO PRIMETIME KING

MARICEL SORIANO

MRS. REAL

RHODORA X

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with