^

PSN Showbiz

Presidential sis hindi kering makipaglaplapan tambalang Derek At Kris, kanselado na

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ay sayang, hindi na pala matutuloy ang tambalan nina Kris Aquino at Derek Ramsay na pinaplano ng Regal Films. Kung sabagay, mabuti na siguro ito at masisimulan na agad ang unang plano ng kumpan­ya ni Mother Lily na si Marian Rivera ang unang itambal sa Kapatid actor. Nagulo lamang ito nang pumasok sa eksena si Kris. Ngayon siguro, na naisip nilang makukumpromiso sila dahil baka hindi kayanin ng presidential sister ang mga eksena na kung saan ay noted ang hunk actor, lalo’t isang love story ang gagawin nila, nabalik na sa Reyna ng GMA ang pansin. Si Marian pa, payag ito sa kissing at love scenes na maaring kailanganin sa kanilang pagtatambal ni Derek.

Kung ano ang dahilan ng pagkakaunsyami ng planong pagawin sila ng movie ni Derek na magka­sama, ay malalaman din ng lahat. I’m sure kundi man sa Kris TV ay sa Aquino & Abunda Tonight mababanggit ito ni Kris.

Heart hindi pa umaasang ikakasal kay Chiz

Oo nga naman, hintay nang hintay ang marami sa araw na makikita nilang lumalakad patungong altar si Heart Evangelista, pero ang dapat sigurong aba­ngan ng fans ng aktres at maging ng kanyang sikat na boyfriend, ay ang araw na hilingin nitong pakasalan siya ni Heart.

Hanggang ngayon ay wala pa palang proposal na natangggap ito mula sa kanyang pulitikong boyfriend kahit pa sinasabi niyang napag-uusapan na nilang dalawa ang pagpapakasal. “I’ll announce this in my Instagram. Hintayin n’yo na lang,” pangako ng aktres na nagsabi that it will take time for them to get married dahil kailangan pa niya ng masusing pagpaplano bago pa mangyari ang kanilang kasal.

Donita pahinga muna sa trabaho sa Amerika

Hinahanap daw ni Donita Rose sa presscon ng kanyang bagong morning show sa GMA ang ilang movie press na naka-close niya nung aktibo pa s­iyang nag-aartista. Wala kasi sila sa presscon at ang na-meet niya ay ilang mga dating kakilala pero halos lahat ay mga baguhan na kaya ‘di pamilyar sa kanya ang mga fez.

Ilang buwan lang dito ang mestisang aktres at pagkatapos ay babalik siyang muli ng Las Vegas na kung saan ay naka-base siya at ang kanyang pa­milya. Isa na siyang certified chef at may restaurant siyang pinagtatrabahuhan dun. Bale pahinga ni Donita sa kanyang trabaho bilang chef dun ang paggawa ng isang morning show na magpapaalala sa kanyang mga manonood dito na aktibo pa rin naman siya sa showbiz. Ang Manila Genesis Entertainment  na pinamumunuan ni Angeli Valenciano ang nangangalaga sa kanyang karera sa ‘Pinas.

Gladys nasasapawan na ni Winwyn

Hindi nag-aalala si Gladys Reyes kung sinasabing nasasapawan na siya ni Winwyn Marquez bilang kontrabida sa Kambal Sirena. Wala nang insecurity ang aktres pagdating sa mga ganitong role. Natutuwa pa nga siya na may mga bagong heneras­yon ng mga kontrabida na nakikilala at puwe­de nang makipagsabayan sa mga bagong nagbibida.

Hindi naman pwedeng ang mga kaedad niya ang magkontrabida sa mga batang bida. Tama lang na may mga lumitaw na mga bago at kabataang kontrabida na maari nang mag-take over sa kanila.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ANG MANILA GENESIS ENTERTAINMENT

ANGELI VALENCIANO

DEREK

DEREK RAMSAY

DONITA

DONITA ROSE

GLADYS REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with