^

PSN Showbiz

Rose Fostanes babalik na sa pagiging caregiver

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang naitutulong nating mga Pinoy para mapasikat ang si­nging contest na The Voice. Maraming Pi­noy na nagkalat sa buong mundo ang sumasali sa paligsahan sa pagkanta na ito at marami rin ang nakakapasa, pero hindi nga lang nagiging kasing suwerte ni Rose Fostanes na hindi lamang umabot sa finals kundi nanalo pang The Voice Israel.

Isang caregiver si Rose na hindi lang nakauwi rito at nagpamalas ng kanyang talento kundi isa na ring recording artist sa Israel ngayon. Pagkatapos ng mga kontrata na pinirmahan niya sa Isarel na bunga ng kanyang pagkapanalo sa The Voice ay babalikan muli ni Rose ang kanyang pagiging isang caregiver.

Samantala, isa pang Pinay ang pumasa sa blind audition para maging contestant sa The Voice Australia.

Ito ang 24 taong gulang na si Jhoanna Aguila, tatlo sa apat na hurado ang iniharap ang kanilang mga silya sa kanya at nagsabi na gusto nila siyang i-coach, ito ay sina will. i. am, Kylie Minogue, at Joel Madden. Tanging si Ricky Martin ang hindi pumili sa kanya.

Isang back up singer sa isang church choir si Jhoanna at napiling i-mentor siya ni will. i. am. Bilib ito sa kahusayang kumanta ng mga Pilipino

Pacman tututok muna sa pagba-basketball

May interes din pala si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa basketball. 

Papasukin niya ang PBA at magkakaroon siya ng sariling koponan na mapaglalaruan at iko-coach din niya at the same time.

Sa edad na 35 ay sinabi ng Eight Division World Boxing Champion na magsisimula siyang mag-coach at maging player din para sa Kia Motors sa buwan ng Oktubre. Napagkasunduan nila ito sa isang pag-uusap ng pinuno na Columbia Autocar Corp., ang namamahagi ng mga sasakyang Kia sa bansa.

Ang pagiging basketball player ni Pacquiao ay isa pang karagdagang feather to his cap of being a boxer, TV host, recording singer, Congressman, at pastor.

Rufa Mae natakot sa bukol

Kung si Rosanna Roces ay umaming may silicone sa dibdib at nagbabalak ipatanggal ngayong nagkakaedad na siya, hindi naman silicone kundi isang cyst ang bukol ni Rufa Mae Quinto sa kanyang dibdib na ipatatanggal niya sa pamamagitan ng isang operasyon.

Sinabi ng sexy actress na hindi peke ang kanyang dibdib na sumailalim sa isang operasyon.

Hindi naman ito delikado, kinailangan lang ni Rufa Mae ipatanggal para hindi na lumala.

 

vuukle comment

COLUMBIA AUTOCAR CORP

EIGHT DIVISION WORLD BOXING CHAMPION

ISANG

JHOANNA AGUILA

JOEL MADDEN

KIA MOTORS

KYLIE MINOGUE

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with