^

PSN Showbiz

Mommy na kailangan ng pera para sa deaf-mute na anak makikipagsapalaran sa Who Wants to be a Millionaire

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo, makiki-celebrate sa Mother’s Day ang paboritong game show ng bayan, ang Who Wants to be a Millionaire ng TV5 hosted by Vic Sotto, kung saan tampok sa isang special episode ang heartwarming at inspiring na kuwento ng mag-inang Rosemarie Ejada at ng kanyang 12-year-old deaf-mute na anak na si JK.

Matapos magtagumpay sa pinagdaanang au­di­tions kamakailan sa Olongapo City, susubukan naman ng mag-ina na maiuwi ang P2 million grand prize ng Who Wants to be a Millionaire? upang ma­kapag-konsulta na si JK sa isang specialist at makatulong din sa iba pang mga deaf and mute children.

Sa episode na ito, bukod sa mamamangha ang viewers sa galing nang pag-intindi ng mag-ina sa isa’t isa gamit ang sign language, maaantig din ang kanilang puso sa pagsulyap sa kuwento ng buhay ni Rosemarie at sa kanyang unconditional love at dedication para sa kanyang anak.

Panoorin ang special Mother’s Day episode ng Who Wants to be a Millionaire? ngayong Linggo, Mayo 11, pagkatapos ng PBA games, sa TV5.

vuukle comment

LINGGO

MATAPOS

NGAYONG LINGGO

OLONGAPO CITY

PANOORIN

ROSEMARIE

ROSEMARIE EJADA

VIC SOTTO

WHO WANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with