^

PSN Showbiz

‘Pag nanggulo pa uli sa hearing, lola ni Deniece ikukulong na raw!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Humarap sa press nung kamakalawa lang ang may-ari ng Cathy Valencia Skin and Body Center at Cedrix Slimming and Wellness na si Cathy Valencia-Lim para ilabas ang reklamo sa dati niyang general manager at bestfriend na nanloko umano sa kanya.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa nila ang lahat ng mga nakuhang pera sa kanyang kumpanya at ang iba pang panloloko, bago sila magsampa ng kaukulang kaso.

Nagpapasalamat si Cathy Valencia sa dati niyang endorser na si Marian Rivera dahil sa lahat daw ng celebrity endorsers nito, ito lang daw ang nag-text sa kanya ng suporta at tutulong daw na iparating sa mga followers at fans nito na mag-ingat sa naturang general manager.

Kahit sa Belo Medical Center na si Marian at ito na ang ini-endorse niya, nanatiling magkaibigan pa rin daw sila at napakabait daw nito sa kanya.

PAK: Balak na raw ng dating bold star na si Rosanna Roces na ipatanggal ang silicon sa dalawa niyang dibdib.

Sabi nito sa mga interview, quotang-quota na raw ang dalawang malalaking dibdib niya sa rami ng mga bold mo­vies na nagawa niya.

Napagkakitaan na raw niya ito nang husto, at ngayon ay hindi na rin naman daw niya kailangan pa dahil hindi na nga siya puwedeng mag-bold.

Pero sa totoo lang, matagal nang gusto ng dating bold star na ipatanggal ang silicon sa suso niya dahil naasiwa siya sa pagkagawa nito.

Tumabingi kasi ang suso niya nang pinaretoke ito at kung sisipatin mo nang husto makikita mo talaga na hindi ito pantay. Parang magkahiwalay talaga kaya dati ay tinatawag niyang suplada ang dalawang suso niya.

BOOM: Ayaw na talagang magsalita ni Vhong Navarro at ng kampo nito tungkol sa nangyari sa hearing kamakalawa ng hapon.

Pati ang pagsigaw ng lola ni Deniece Cornejo kay Vhong ay ayaw na raw nilang patulan pa. Pero napabalitang ipinagbawal na ang lola ni Deniece na dumalo sa mga susunod na hearing.

May ilang nag-suggest na dapat ay pina-contempt na itong si lola ng kampo ni Vhong, pero ayon sa pagkakaalam namin, hindi na nila ginawa.

Maari pang sumama sa hearing ang lola ni Deniece, pero dapat nang mag-ingat ito dahil kung ano pa ang gagawin niya uli, maaring ma-contempt na siya at puwedeng ikulong.

Ang latest na narinig namin, sasamahan na rin si Vhong ng pamilya niya para maprotektahan at suportahan ito.

Sabi ng isang supporter ni Vhong, ano raw kaya kung bulyawan din si Deniece o Cedric ng isa mga miyembro ng pamilya ng aktor? Ano kaya ang mararamdaman nila?

Marami pang hearings ang kasong ito, at tantiya nila aabutin pa ng susunod na taon ang pagdinig dahil sa rami ng mga ebidensya at witness na kailangang i-present.

vuukle comment

BELO MEDICAL CENTER

CATHY VALENCIA

CATHY VALENCIA SKIN AND BODY CENTER

CATHY VALENCIA-LIM

CEDRIX SLIMMING AND WELLNESS

DENIECE

DENIECE CORNEJO

NIYA

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with