^

PSN Showbiz

Kuya Kim, Karylle, at Matteo muling sinuportahan ang DZMM fun run

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling pinatunayan ng Kapamilya stars na sina Kuya Kim Atienza, Karylle, at Matteo G­uidicelli ang kanilang dedikasyon sa pagsulong ng edukasyon sa pamamagitan ng pangunguna sa DZMM Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na, Takbo Na color fun run kasama ang libu-libong kalahok kamakailan.

Kabilang sila sa 3,050 na kalahok sa fun run ngayong taon na layong maglikom ng pondo para tulungang mapag-aral ang mga estud­yanteng nasalanta ng bagyong Yolanda pati na ang ibang DZMM scholars. Matatandaang noong 2013 ay sumali rin sina Kuya Kim, Karylle, at Matteo sa  DZMM Takbo Para sa Karunungan na mayroon ding temang pang-edukasyon.

Hindi man nakatakbo dahil sa kanyang knee injury, nagsilbi namang isa sa hosts si Matteo sa prog­ram pagkatapos ng fun run ngayong taon.

Dumalo rin sa event ang It’s Showtime host na si Eric ‘Eruption’ Tai, Diana Zubiri at Roxanne Barcelo, Luv U  cast members na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Alexa Ilacad, at models na sina Will Devaughn at Andy Smith, kasama ang DZMM anchors na sina Julius Babao, Cory Quirino, Winnie Cordero, Ahwel Paz, Carl Balita, Traffic Angel Tina Marasigan, DZMM Radyo Patrol reporters, at ilang M.O.R. 101.9 DJs.

Samantala, pinangunahan naman ng The B­iggest Loser Pinoy Edition Doubles grand w­inner na si Bryan Castillo, kasama ang kanyang dating co-contestants ang warm-up exercises ng nasabing fun run.

Talaga namang nag-enjoy ang lahat ng kalahok lalo na sa pagsaboy sa kanila ng colored powder at sa isang higanteng inflatable slide.

Inorganisa ang event ng Run Rio sa pangunguna ng running coach na si Rio Dela Cruz kasama ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation bilang proponent, at suportado ng Taguig city government.

Sinimulan ng DZMM ang pagkakaroon ng fun run noong 1999.

 

vuukle comment

AHWEL PAZ

ALEXA ILACAD

ANDY SMITH

BRYAN CASTILLO

CARL BALITA

CORY QUIRINO

DIANA ZUBIRI

JAIRUS AQUINO

JULIUS BABAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with