^

PSN Showbiz

Heart umiwas nang pag-usapan ang hobby nila ni Marian

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Biglang binago ni Heart Evangelista ang topic nang sabihin ko sa kanya na dapat na silang magkasundo ni Marian Rivera dahil parehong painting ang kanilang mga hobby.

Sumagot lang si Heart ng “In time at darating din tayo riyan” sabay segue sa ibang topic. Marunong nang umiwas si Heart ‘ha?

Hindi si Cedric Lee aktres lihim na lihim ang naging relasyon sa isa sa mga wanted ng NBI!

May update kahapon ang Pilipino Star NGAYON (PSN) columnist na si Papa Tony Calvento tungkol sa pag-aresto sa isang sangkot sa pang-uumbag kay Vhong Navarro.

Ang sabi ni Papa Tony, tatlong team ang nagpunta kahapon sa lugar na kinaroroonan ng isa sa mga sangkot  sa serious illegal detention case. Diumano, pinoprotektahan ng mga kaibigan ang suspect pero sure ang law enforcers na mahuhuli nila ngayon ang “the accused.”

Hindi nagbigay ng clue si Papa Tony tungkol sa identity ng suspect na malapit nang ma-Julie Yap. Tatlo na lang ang wanted ng NBI agents sa limang katao na sinampahan ng serious illegal detention. Nahuli na sina Cedric Lee, Z­immer Raz at wanted pa rin sina Deniece Cornejo, Jed Fernandez, at Ferdinand Guerrero. Marami ang mga humuhula at nag-aasam na si Deniece ang third suspect na mahuhuli ng NBI agents dahil siya ang pinagmulan ng malaking gulo na nagpabago sa buhay nang lahat ng involved sa kaso.

May interbyu kahapon ang Startalk kay Papa Tony na nagsalita sa mga nalalaman niya tungkol sa kaso ni Vhong.

Nakabibilib si Papa Tony dahil ang dami-dami  niyang alam na mga inside information.

Kahit natakot nang sumuko si Jed Fernandez na nagpadala ng surrender feelers kay Papa Tony, willing pa rin ito na tumulong. Handa si Papa Tony na sunduin si Jed kung sakali na mag-decide ito na sumuko sa batas. Gusto yata ni Jed na huwag na siyang masangkot sa kaso na malabong mangyari dahil kitang-kita sa CCTV footage ang participation niya noong gabi ng January 22. Ang sey ni Papa Tony, puwedeng mag-apply si Jed na state witness pero ang  Department of Justice pa rin ang magpapasya.

Naging boyfriend pala ng isang aktres ang isa sa mga sangkot sa pambubugbog kay Vhong Navarro.

 Hindi si Cedric Lee ang tinutukoy ko dahil common knowledge na nakarelasyon niya sina Patricia Javier at Vina Morales.

Sikretung-sikreto ang relasyon ng aktres at ng mhin na suspect sa pananakit kay Vhong pero nagtagal din ang kanilang love affair. Sina Jed Fer­nandez, Zimmer Raz, Ferdinand Guerrero, at JP Calma ang mga mhin na sangkot sa Vhong Navarro case. Bahala na kayong humula at mag-isip kung sino sa kanila ang naging dyowa ng aktres na tahimik na ang pamumuhay.

Muhammad Ali inuudyukan na si Mayweather na labanan si Pacman

Personal na magkakilala sina Muhammad Ali at Congressman Manny Pacquiao. Hanga si Ali sa husay ni Papa Manny sa boxing kaya isa siya sa mga nagsabi na dapat nang lumaban si Floyd Mayweather, Jr. sa Pambansang Kamao.

Nag-tweet kahapon si Ali ng message niya para kay Mayweather Jr. Ang sabi niya, “Congratulations Floyd Mayweather. Maybe after you rest up we can see you rumble with Manny Pacquiao.”

Matagal nang may Parkinson’s Disease ang legendary boxer na minsan nang  nagdeklara na “I am the greatest.” Pihadong may inutusan si Ali para i-tweet ang pagnanais niya na maganap na ang hindi matuloy-tuloy na laban nina Papa Manny at Mayweather. Hindi na talaga maabot si Papa Manny dahil mismong si Ali ang nagre-request na magharap na sila ni Mayweather Jr. sa boxing ring.

vuukle comment

ALI

CEDRIC LEE

FERDINAND GUERRERO

PAPA

PAPA MANNY

PAPA TONY

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with