^

PSN Showbiz

Pauleen hate na hate ng anak ni Vic kay Angela Luz

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sold out ang Dos, ang second major concert ni Daniel Padilla sa Smart Araneta Coliseum noong Miyerkules. Dinumog ng fans ang concert ni Daniel.

SCENE: Pinanood ni Robin Padilla ang concert ni Daniel Padilla. Proud na proud si Robin sa achievements ni Daniel pero hindi na nito mapapantayan ang kasikatan ng kanyang uncle na action superstar. Pangalawang beses na niyang napuno ang Big Dome.

SEEN: Ang mga batikos kay Atty. Howard Calleja dahil sa pagtatanggol niya kina Cedric Lee at Zimmer Raz. Walang patawad ang mga basher nina Atty. Calleja, Cedric, at Zimmer Raz.

SCENE: Ang report ng NBI agents na tila may babae na kasama sina Cedric Lee at Zimmer Raz nang magtago ang dalawa sa Dolores, Eastern Samar. Nakakita ng mga gamit ng babae sa bahay na pinagtaguan nina Cedric at Zimmer ang claim ng NBI agents.

SEEN: May mga kumukumbinsi kay Kat Alano na ibulgar na niya ang pangalan ng public figure na umabuso sa kanyang pagkakabae. Marami ang naniniwala na totoo at hindi imbento ang rebelasyon ni Kat na ginahasa ito ng isang public figure, 9-years ago.

SCENE: “Patola” ang tawag kay Angela Luz, ang ina ng bunsong anak na babae ni Vic Sotto na si Paulina.

Pinatulan ni Angela ang mga basher niya sa Instagram.

Hindi ikinakaila ni Angela na hindi boto si Paulina sa pakikipagrelasyon ni Vic kay Pauleen Luna.

SEEN: “I will forever enjoy your beauty. This will be one of the happiest day of our life together” ang mga mensahe ni Jericho Rosales kay Kim Jones, ilang oras bago sila ikinasal kahapon sa Boracay.

SCENE: Balik-hurado si Lea Salonga ng The Voice  Kids. Masasaksihan uli ng televiewers ang over the top na performance ni Lea bilang hurado ng talent search program ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANGELA

ANGELA LUZ

BIG DOME

CEDRIC

CEDRIC LEE

DANIEL PADILLA

EASTERN SAMAR

HOWARD CALLEJA

ZIMMER RAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with