^

PSN Showbiz

Katrina hindi nawawala ang takot kay Direk Maryo

Sheena Ona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masayang-masaya ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa panibagong proyekto niya sa GMA Network kung saan mabait ang kanyang role sa primetime series na Niño.

Gagampanan ni Katrina ang role ni Hannah, ang mapagmahal na ina ni Niño na bibigyang-buhay ng teen star na si Miguel Tanfelix. Excited siya na muling magtrabaho dahil malayung-malayo ito sa mga naging role niya sa mga nakaraang shows niya sa Kapuso Network bilang kontrabida.

  “Nakaka-excite kasi iba naman. Nabigyan ulit ako ng chance kasi panibagong character na naman ito. Sana mabigyan ko ng justice yung role ko sa Niño para makita ng mga tao na kaya kong gumawa ng iba, na hindi lahat ng roles ay kontrabida ako.  Medyo sanay na ako na lagi na lang maldita. Sa sobrang nasanay na ako parang nasawa na ako,” pahayag ni Katrina sa pictorial ng Niño.

Ayon kay Katrina, noong 2008 unang nabigyan ng hindi kontrabida na role sa hit na Sine Novela na Magdusa Ka. Kaya naman lubos ang pasa­salamat niya sa GMA dahil ipinagkatiwala sa kanya ang role na ito.

 â€œThankful ako nung natanggap ko ito. Sabi ko kay Direk Maryo, alam niyo eto po yung gusto kong role. Wow, answered prayer. Sabi ko, oo nga po Direk. Kaya kinakabahan ako na nape-pressure ako. Natutuwa ako kasi eto ang gusto kong role.”

Natutuwa rin si Katrina dahil muli niyang makakatrabaho ang multi-award winning director na si Maryo J. Delos Reyes. Ang Niño ang pang-limang proyekto ni Katrina kasama si Direk Maryo matapos ang mga programang Magdusa Ka (2008), Rosalinda (2009), Munting Heredera (2011), at Magkano Ba ang Pag-ibig? (2013).

Inamin ni Katrina na isang pribilehiyo ang muling makasama si Direk Maryo dahil very professional ito on and off screen. Marami siyang natutunan sa veteran director lalo na ang pagkakaroon ng good work ethics.

 â€œHindi mawawala ‘yung takot kay Direk Maryo every take, kahit sabihin mo na okay kami ni Direk pero pagdating ng blocking, professional talaga siya. Lahat pinapansin niya. Kahit sa totoong buhay, sinasabihan din niya ako. Kaya masaya ako.”

Bukod dito, excited din si Katrina na makatrabaho sa unang pagkakataon ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez sa Niño, â€œKasama ko rito si Tom Rodriguez. First time ko siyang makakatrabaho. Nakaka-excite na makatrabaho siya. Nanonood ako ng My Husband’s Lover. Fan ako nung show niya.” Gagampanan ni Tom ang role ni Jonathan, ang mapag-arugang ama ni Niño at asawa ni Hannah.

 

vuukle comment

AKO

DIREK MARYO

KATRINA

KAYA

MAGDUSA KA

ROLE

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with