^

PSN Showbiz

John Lloyd tatlong linggong naburo sa bahay nang maaksidente

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kapansin-pansin ngayon ang bagong pangangatawan ni John Lloyd Cruz matapos ang six-week fitness challenge para sa isang produkto na kanyang iniendorso. Halos 18 pounds na raw ang nabawas sa timbang ng aktor. Masaya si John Lloyd dahil nagkaroon na ng katuparan ang pinangarap lang niya noon.  “Sinabi ko no’ng I turned 30 last year, sinabi ko na isa ‘yun sa goals ko, na maging mas fit, maging healthier and magkaroon ng balanced lifestyle talaga. Mahirap ‘yung puro ka lang trabaho because we are not getting any younger so dapat talaga balanced,” bungad ni John Lloyd.

Hindi raw naging madali para sa binata ang kanyang ginawa lalo pa’t naaksidente siya kamakailan habang ginagawa ang ABS-CBN summer station I.D. “’Yung accident medyo nakaapekto. Bahay lang ako for two weeks no’n. Almost three weeks. Malaking chunk ‘yung natanggal sa time namin. But with the help of my trainer and ‘yung superbods diet, ‘yun talaga ‘yung nakatulong,” paliwanag ng aktor.

 Itutuluy-tuloy na raw ni John Lloyd ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ngayong gumanda na ang kanyang katawan. “I really feel great. I feel healthier. I feel so much better. Hindi ko ginawang sobrang intense ‘yung program kasi imposibleng ma-achieve ko ‘yung six-pack abs in six weeks. I’m thinking long term. Part na siya ng lifestyle mo, ng buhay mo,” pagtatapos pa niya.

Dominique puro bakla ang kaklase

Kumukuha ng kursong Fashion Design sa United Kingdom ang anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco na si Dominique. Kahit ilang buwan nang nasa London ang dalaga ay wala pa raw nanliligaw ditong foreigner at wala pa rin daw sa isipan ni Dominique ang pakikipagrelasyon. “No, I go to fashion school and everybody’s gay and I love it,” natatawang bungad ni Dominique.

“Right now I want to focus on myself because I feel like it’s something not everybody gets the chance to do and it’s nice. It’s fun and it’s something new,” dagdag pa niya. Napababalitang isa raw si Enchong Dee sa masugid na manliligaw ni Dominique pero ayon sa dalaga ay talagang malapit lang sila sa isa’t isa. “I talked to him sometimes, not so much. He’s a good friend of mine. He’s fun to talk to. I just met him a couple of months ago,” pagtatapat ni Dominique.

Matatandaang una nang napabalita na may espesyal na diumanong nama­magitan sa dalaga at sa aktor noong nag-escort si Enchong kay Dominique sa Star Magic Ball noong isang taon. Nakipagkita rin si Enchong sa dalaga sa Europe noong Disyembre nang pumunta ang aktor doon.

Samantala, masaya raw si Dominique para sa kanyang pinsan na si Julia Barretto dahil bida ito sa isang teleserye. “I’m so proud of her. I saw her from starting off when she was younger up to that point where she wasn’t sure of what happened and now where she’s blooming and she’s getting so many offers and I’m so proud of her. Honestly I’m so, so proud of her,” giit ni Dominique. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DOMINIQUE

ENCHONG

ENCHONG DEE

FASHION DESIGN

GRETCHEN BARRETTO

HONESTLY I

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with