^

PSN Showbiz

Iwa Moto masaya sa piling ng mga Lacson

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Marami ang natutuwa para kay Iwa Moto dahil sa isang interview sa kanya sa TV ay napag-alaman na masaya na siya sa kanyang  buhay bilang ina ng anak  ni Pampi Lacson, at masaya siya sa pagsasama nila ng ex ni Jodi Sta. Maria. Nagkaayos na sila ng aktres. Wala  rin silang problema sa kanilang pagsasama ng ama ng kanyang  anak.  

Kahit hindi pa sila kasal ay maganda ang turing sa kanya  nito at welcome siya sa pamilya nito. Maganda ang trato sa kanya  at sa kanyang anak ng ama ng kanyang partner na si Sen. Panfilo Lacson.

Bago ito umalis at pumasok ng kanyang opisina ay nilalaro pa ang kanyang anak. “Wala akong problema sa kanila, mabubuti silang tao,” sabi niya.

Kean kakarerin na rin ang pagiging direktor

Kasalukuyang kumukuha ng kurso on film ang soloista ng bandang Callalily na si Kean Cipriano sa Mo­welfund Film Institute. Balak niyang makapagdirek ng pelikula na maaring magtampok sa mga paborito niyang artista na tulad nina Robin Padilla at Aga Muhlach. At matutuwa kayong malaman na ibang roles ang balak niyang ipagawa sa mga ito. Pero hin­di pa man siya kumukuha ng short course on film ay nakapagdirek na siya ng mga music video, ang isa ay para sa kanyang banda na Callalily para sa kantang Pansamantala na na­bigyan ng nominasyon sa MYX Music Awards. Meron din siyang ginawang music video para sa single ng Big Band Syndicate na Darating.

Maswerte ang singer na unang nakilala dahil sa kanyang mga romantic escapades dahil bukod sa pagkanta ay nabigyan din  siya ng tsansa na umarte at ngayon nga ay gumagawa siya ng mga MTV. Hindi lamang siya mabenta sa mainstream, pati indie ay nabibigyan din siya ng projects.

 â€œAng saya, kapag pumupunta ako sa set ay parang nag-aaral na rin ako. Supportive ang mga direktor ko sa kagustuhang matutunan ko ang trabaho nila. Hindi sila maramot,”  pagmamalaki niya.

Zsa Zsa malamang na matuloy na ang kasal

Kung hindi man napakasalan nang namayapang Hari ng Komedya na si Dolphy ang Divine Diva na si ZsaZsa Padilla baka sa bago niyang manliligaw ay makaranas ito na maihatid sa altar - ina nina Ka­rylle, Zia, at Nicole.

Walang dahilan para hindi mapakasalan si Zsa­Zsa ng kanyang manliligaw na walang asawa kahit mayro’n ng dalawang grown up children. Hiwalay ito sa unang asawa.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BIG BAND SYNDICATE

CALLALILY

DIVINE DIVA

FILM INSTITUTE

JODI STA

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with