^

PSN Showbiz

Mommy D panay ang shopping sa Las Vegas, hindi nahagilap sa mga interview

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nag-try ang Startalk staff ng live interview, straight from Las Vegas, kay Dionisia Pacquiao pero hindi siya mahanap ng contact persons ng GMA 7 sa MGM Grand.

Dinig na dinig ko ang sabi ng audio man na hindi nila ma-locate ang madir ni Congressman Manny Pacquiao na gumawa ng eksena habang pinapanood ang pakikipagrambulan ng kanyang anak kay Timothy Bradley, Jr.

Ang duda ng mga naghahanap kay Mommy D., nag-shopping ito kaya hindi na siya mahagilap para sa live interview ng Startalk. Star na star si Mommy D sa Las Vegas dahil sa orasyon niya kay Bradley.

Manny malabo pangmag-retiro

Hindi ako naniniwala na magreretiro na sa boxing si Papa Manny. Ngayon pa ba siya magreretiro eh nabawi na niya ang WBO Welterweight belt kay Bradley?

Kahit gusto ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na huminto na siya sa paglalaro, ang pasya pa rin ni Papa Manny ang iiral dahil mas kilala nito ang sarili.

Alam ni Papa Manny kung kaya pa niya na sumuntok nang malakas. Saka hinihintay pa ng boxing fans ang muling paghaharap nila ni Juan Manuel Marquez at ang hindi matuluy-tuloy na pakikipagsagupa kay Floyd Mayweather, Jr.

Puwedeng-puwede pa na lumaban si Papa Manny. Sayang ang milyones na dolyares na kikitain niya sa kanyang future fights.

Geoff at Carla araw-araw nag-aaway sa loob ng apat na taon bago naghiwalay

Natawa lang si Carla Abellana sa mga biro ko sa kanya habang commercial break ang Startalk noong Linggo.

Si Carla ang special guest namin dahil inamin niya sa publiko na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Naloka ako sa kuwento ni Carla na halos araw-araw sila na nag-aaway ni Geoff sa loob ng apat na taon. Tinanong ko siya kung bakit pinatagal pa niya ang kanilang love affair? “Matiisin po ako” ang sagot sa akin ni Carla na martir pala. Kung ano ang karakter niya sa My Husband’s Lover, ganoon din ang kanyang ugali sa tunay na buhay.

Kasama ni Carla sa live guesting nito sa Startalk ang kanyang fans. Malakas ang feeling ko na nairita ang fans ni Carla sa biro ko na mabuti pa ang kanyang ex-boyfriend na si JC Intal, ikakasal na kay Bianca Gonzales.

Marami akong jokes na tinawanan lang ni Carla pero hindi type ng fans niya na inirap-irapan ako.

MTRCB chief nag-lecture sa mga bus driver

Tuloy ang work ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Toto Villareal kahit Holy Week na. Sumakay kahapon si Papa Toto sa mga bus na pampubliko dahil kinausap niya ang mga driver tungkol sa mga video na puwedeng mapanood ng mga pasahero.

Ipinaalaala ni Papa Toto sa mga bus driver na mga pelikula na Rated G at PG ang maaaring ipalabas sa loob ng mga sasakyan.

Naintindihan naman ng mga bus driver ang paliwanag ni Papa Toto tungkol sa mga batas na ipinatutupad ng MTRCB. Pinasalamatan nila ang MTRCB Chairman dahil nagkaroon ito ng panahon para mapaliwanagan at ma-educate sila.

Heart pinayuhan si Jennylyn na ‘wag nang mai-inlove sa taga-showbiz

Huwag nang ma-in love sa kapwa artista ang advice ni Heart Evangelista kay Jennylyn Mercado.

May karapatan si Heart na magbigay kay Jennylyn ng payo dahil naranasan na niya na makipagrelasyon sa mga kapwa artista na humantong lahat sa hiwalayan.

Pero nagbago ang lahat nang makilala ni Heart si Senator Chiz Escudero dahil maligayang-maligaya siya ngayon. Malay natin, baka may irereto si Heart kay Jennylyn na pulitiko rin gaya ni Papa Chiz dahil hindi naging successful ang pakikipagrelasyon ni Jennylyn sa kanyang mga ex na pare-parehong mga artista?                                  

 

vuukle comment

CARLA

DAHIL

JENNYLYN

KAY

NIYA

PAPA MANNY

PAPA TOTO

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with