^

PSN Showbiz

Jinkee nanigas ang tiyan, diabetic kaya hirap sa pagbubuntis

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen :  Ipinagbunyi ng mga Pilipino sa buong mundo ang panalo ni Sarangani province House Representative Manny Pacquiao sa laban nito kahapon kay Timothy Bradley, Jr., sa MGM Grand Arena, Las Vegas.

Scene : Ang mga biro na natuwa si BIR Commissioner Kim Henares sa panalo ni Congressman Pacquiao at hinihintay na niya ang pagbabalik sa Pilipinas ng Pambansang Kamao.

Seen : Sina Lance Armstrong, Jack Nicholson,  Pamela Anderson, Aaron Eckhart, 50Cent at Jake Gyllenhaal ang ilan sa mga Hollywood celebrity na nanood sa MGM Grand Arena ng P­acquiao-Bradley fight.

Scene :  “Some sort of Filipino curse” ang tawag ng American anchor sa  maliit na bagay na hawak ni Dionisia Pacquiao habang pinapanood nito ang laban ng kanyang anak kay Timothy Bradley, Jr.

Seen : White terno ang suot ni Dionisia P­acquiao sa laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr.

Ingat na ingat si Dionisia na huwag masagi ng mga nagpapakuha ng litrato na kasama siya ang butterfly sleeves ng kanyang terno.

Scene : Napaiyak si Jinkee Pac­quiao nang ideklara na ang kanyang asawa ang nanalo.

Hindi nakabiyahe si Jinkee sa Amerika para panoorin ang laban ni Manny Pacquiao dahil malapit na  niyang isilang ang ika-limang anak nila.

Seen : Nakaramdam si Jinkee Pacquiao ng paninigas ng tiyan dahil sa stress habang pinapanood ang laban ng kanyang asawa.

Hirap si Jinkee sa pagbubuntis dahil tumataas ang kanyang blood sugar.

Scene : Ipalalabas ng GMA 7 sa Maundy Thursday ang Holy Land trip nina Mike Enriquez at Joey de Leon.

 

vuukle comment

AARON ECKHART

COMMISSIONER KIM HENARES

CONGRESSMAN PACQUIAO

DIONISIA P

DIONISIA PACQUIAO

GRAND ARENA

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with