^

PSN Showbiz

Kapuso Mo, Jessica Soho, angat na angat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling namayagpag ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa TV ra­tings sa Urban Luzon at Mega Manila noong Marso, ayon sa data ng Nielsen TV Audience Measurement.

Sa pangunguna ng KMJS, 17 Kapuso shows ang kabilang sa 30 top prog­rams list sa Urban Luzon.

Wagi rin ang mga pambato tuwing weekend ng GMA na Magpakailanman, Celebrity Bluff, at Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, habang hindi naman nagpahuli ang mga Kapuso dramas na Carmela at Kambal Sirena na kapwa rin nakapagtala ng matataas na ratings.

Pasok din sa listahan ang Imbestigador, Vampire ang Daddy Ko, Eat Bulaga, Adarna, 24 Oras, Rhodora X, Bubble Gang, A 100-Year Legacy, Picture! Picture! Slam Dunk, at I-Witness.

Lalong tumindi ang pagtutok ng mga Urban Luzon viewers sa Kapuso Network sa buong buwan ng Marso (March 23 hanggang 31 base sa overnight data) kung saan umabot ang total day audience share ng GMA ng 35.7 percent.

Kinabog din ng GMA ang ibang TV networks sa balwarte nitong Mega Manila dahil sa nakuha nitong  37 percent total day average. 

Nanguna pa rin ang KMJS sa mga GMA shows sa listahan ng Mega Manila kung saan 18 sa 30 slots ay galing sa Kapuso Network. Panalo rin ang ratings ng Celebrity Bluff, Magpakailanman, Kambal Sirena, Pepito Manaloto, Carmela, at Imbestigador.

Angat din sa mga Mega Manila ang Vampire Ang Daddy Ko, Rhodora X, Adarna, 24 Oras, Bubble Gang, Eat Bulaga, A 100-Year Legacy, Picture! Picture! I-Witness, Slam Dunk, at Fairy Tail.

 

vuukle comment

BUBBLE GANG

CELEBRITY BLUFF

EAT BULAGA

KAMBAL SIRENA

KAPUSO NETWORK

MEGA MANILA

PEPITO MANALOTO

RHODORA X

SLAM DUNK

URBAN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with