^

PSN Showbiz

Anjanette Abayari kumupas na ang alindog, ‘dina-drive’ ang Ferrari ni Pacman

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Nag-iba na pala ang hitsura ng dating sexy star na si Anjanette Abayari.

Nakita ang picture niya kahapon kasama ang kapatid ni Manny Pacquiao sa Facebook account ng mga sports writer na nagko-cover ng laban ni Pacman kay Timothy Bradley sa Sabado sa Amerika at Linggo sa bansa. At maging sa mga inilagay niyang (Anjanette) pictures sa kanyang Facebook account na kasama si Pacman ay iba na rin ang hitsura niya. Marami siyang pictures na kasama ang boksingero at may picture din siyang kasama si Mommy Dionisia. Nagpa-picture pa siya sa Ferrari car ni Pacman at may photo sa Los Angeles residence ni Mr. Pacquiao ang dating sexy actress. Pero sa lahat nang ‘yun, kitang-kita na iba na ang hitsura niya. Wala nang bakas ang dating alindog ni Anjanette.

Matagal na panahon na rin namang wala sa eksena ang dating sexy star at kung sakaling magbabalik-showbiz siya, parang mahihirapan na siyang magka-project uli.

Walang gaanong balita tungkol sa kung anong ginagawa niya sa Amerika at wala siyang nabanggit sa kanyang social media accounts.

Mga piratang DVD, bagsak-presyo na

Sampung piso na lang ngayon ang presyo ng pirated DVDs na nagkalat sa bangketa ng Baclaran sa lugar na dinadaanan papunta sa simbahan.

Pero ang naiiba lang bukod sa bagsak-presyo na, wala na rin nagkakagulo sa pagbili.

Samantalang noon, ang daming bumibili ng mga pirated audio and vi­deo disc. Ngayon ang ba­lita marami na ring naluluging nagosyante ng mga pekeng DVD ng pelikula at musika.

Baka nagsawa na rin ang mga mamimili dahil panget nga naman ang quality at puwede pang mag-download.

Richard may leeg na uli, puro salad ang kinakain

Ang laki na pala nang ipinayat ni Richard Gu­tierrez. Balita ni Tita Annabelle Rama, hindi na raw kasi ito kumakain ng basta-basta. Lahat salad na lang daw. “Bumalik na ang dati niyang katawan. May leeg na uli siya. Saka mas matagal siyang nagwo-work out ngayon,” balita ni TIta Annabelle nang minsang mag-dinner kami sa kanilang bahay sa Dasmariñas in Makati kasama si Tito Eddie, Ricky Davao, Malou Choa-Fagar and Jun Lalin.

Samantala, iisang channel na lang ang tinututukan ni Tita Annabelle ngayon – ang E! Channel kung saan ipalalabas ang It Takes Gutz to be a Gutierrez. Nai-excite raw kasi siya sa tuwing magkakaroon ng plugging.

Kaya lang nang magpunta pala sila sa Singapore hindi siya nakapagpa-interview sa mga international press dahil natakot siya sa pag-e-English. Pero nag-regret siya dahil pakiramdam niya ay kaya naman niya. Si Ruffa at si Tito Eddie tuloy ang nagpa-interview.

By this time, malamang na tapos na silang mag-taping kaya hihintayin na nila ang approval ng E! para ma-ere ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

vuukle comment

AMERIKA

ANJANETTE

ANJANETTE ABAYARI

FACEBOOK

IT TAKES GUTZ

LOS ANGELES

PACMAN

PERO

TITO EDDIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with