^

PSN Showbiz

Jasmine huli na nang malamang may isyu kina Anne at Sam, Binibining Miss U inilabas ang lumang picture na hindi na niya kamukha

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen : Mariin na pinabulaanan ni Anne Curtis ang balita na sinita niya si Sam Concepcion sa birthday party ni Vice Ganda sa isang bar sa Makati City noong Linggo.

Si Sam ang boyfriend ni Jasmine Curtis Smith, ang younger sister ni Anne.

Scene : Noong Martes lang nalaman ni Jasmine Curtis Smith na may isyu tungkol sa kanyang boyfriend at kapatid dahil busy siya sa shooting ng Dementia, ang movie made for TV ng TV5.

Seen : Apektadong-apektado ang supporters ni Laguna Governor ER Ejercito sa balita na minamadali ni President Noynoy Aquino ang pagpapaalis sa puwesto sa actor/politician na inaakusahan ng overspending sa pangangampanya noong May 2013 polls.

Scene : Lumabas ang before and after photos ni Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa dahil sa kanyang denial na wala siyang ipinaretoke sa kanyang mukha. 

Pinagtaasan ng kilay ang sinabi ni Mary Jean na nagbago ang kanyang itsura dahil sa “ styling.”

Seen : Ipinasuot uli ng Bb. Pilipinas Charities Inc. kay Bb. Pilipinas 2014 semi-finalist at Rhian Ramos look-alike Emma Mary Tiglao ang light blue gown na ginamit ni Pia Wurtzbach nang tanghalin ito na 1st runner up  sa Bb. Pilipinas 2013.

Scene : Ang magkatapat na oras ng MiniMe contest ng It’s Showtime ng ABS-CBN at Little Miss Philippines MiniMe ng Eat Bulaga ng GMA 7.

Seen : Hindi komportable na pumunta sa Trinoma para mag-shopping at manood ng sine dahil mainit sa loob ng mall.

Dapat aksyunan ng management ang reklamo ng Trinoma tenants at shoppers.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

EAT BULAGA

EMMA MARY TIGLAO

JASMINE CURTIS SMITH

LAGUNA GOVERNOR

LITTLE MISS PHILIPPINES

MAKATI CITY

MARY JEAN

MARY JEAN LASTIMOSA

MISS UNIVERSE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with