^

PSN Showbiz

Zsa Zsa nalulungkot mag-isa sa bahay

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Excited na si Zsa Zsa Padilla dahil kasama ito sa Dyesebel. Gagampanan nito ang karakter ng isang kontrabida. Ayon sa actress-singer, challenging sa kanya ang pagiging kontrabida dahil napaglalaruan ang karakter na ginagampanan.

Inamin ng aktres na nalulungkot siya kapag nag-iisa sa bahay at gusto naman niyang maging masaya this time sa buhay. Kaya nga natutuwa ito kapag nabibigyan ng trabaho.

Dawn maraming nakuhang ideya kay Albert

Sayang at wala si Albert Martinez sa presscon ng Dyesebel. Sana’y narinig nito ang magagandang salita na patungkol sa kanya ni Dawn Zulueta. Nakatrabaho na ng aktres si Albert noon at hanga siya sa pagiging dedicated nito sa trabaho.

‘‘Hindi siya nagrereklamo kahit mahirap ang role na gagampanan.

“Magaganda ang mga idea niya at ang dami kong natutunan sa kanya,’’ sabi ng aktres.

Ipinakikita rin sa teleserye ang magagandang karagatan na makakatulong sa pagpapalago ng turismo ng bansa. Kabilang ang Coron sa Palawan, Lobo sa Batangas, at San Juan, Batangas.

Alwyn bidang-bida na

Natutuwa kami dahil nabigyan din ng pansin ang galing sa pag-arte ni Alwyn Uytingco ng TV5. May solo project ito na magpapakita ng versatility niya as an actor sa Beki Boxer na malapit nang mapanood.

Magaling din ang director nito na si Jade Castro dahil nanalo na ang Zombadings: Patayin sa Shokot si Re­mington noon na isang indie film. Isang waiter ang karakter ni Alwyn pero nagtatrabaho rin sa gay bar kung gabi.

Nang matalo sa boksing ang amang si Christian Bautista ay na­dama ang kalungkutan ng ama at palibhasa’y nasa dugo niya ang pagi­ging boksingero ay magiging boxer na rin ito.

Punumpuno ng katatawanan at drama ang Beki Boxer na mapapanood na sa March 31 sa TV5.

 

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ALWYN

ALWYN UYTINGCO

BATANGAS

BEKI BOXER

CHRISTIAN BAUTISTA

DAWN ZULUETA

DYESEBEL

JADE CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with