^

PSN Showbiz

Best ending ever ng Got to Believe misteryo kahit kina Kathryn at Daniel

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na Best Fair Ever na dinumog ng libo-libong fans noong Linggo (Marso 2), ang misteryosong Best Ending Ever naman ang pinakaaabangan ng lahat ng viewers ng top-rating romantic drama series ng ABS-CBN na Got To Believe na magwawakas na ngayong Biyernes (Marso 7).

Ayon sa mga bida nitong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mismong sila ay excited na rin sa mga mangyayari sa finale ng kanilang serye.

“Magugulat ang viewers sa mga desisyong gagawin ng mga karakter sa show, hindi lang nina Chichay at Joaquin kundi maging nila Alex (Liza Soberano), Juliana (Carmina Villarroel), Jaime (Ian Veneracion), Papa Bear (Benjie Paras), at Mama Bear (Manilyn Reynes). Dapat nating abangan kung paano makaaapekto ng mga desisyon nila ang ending ng love story nina Chichay at Joaquin,” kwento ni Daniel.

 Misteryoso man, tiniyak naman ng direktor ng  Got To Believe na si Cathy Garcia-Molina na ikaliligaya ng lahat ang pinananabikang Best Ending Ever.

“Kilala naman ako for happy endings. At hindi ko hahayaang matatapos ang show na malulungkot sila,” pangako ni Direk Cathy sa manonood.

At sa tindi ng suporta ng buong sambayanan sa kanilang programa sa loob ng halos pitong buwan, tanging pasasalamat ang nais iparating ng  cast.  

Mula nang umere ito noong Agosto 2013, ang  Got To Believe ay sinundan gabi-gabi ng TV viewers dahil sa kwento nitong sumentro sa halaga ng pamilya, pag-asa sa buhay, pagkapit sa pangarap, at pagmamahal.

Sa huli, magkakatuluyan ba sina Chichay at Joaquin?

 

vuukle comment

BENJIE PARAS

BEST ENDING EVER

BEST FAIR EVER

CARMINA VILLARROEL

CATHY GARCIA-MOLINA

CHICHAY

DANIEL PADILLA

DIREK CATHY

GOT TO BELIEVE

JOAQUIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with