^

PSN Showbiz

Dealers ng direct selling pinarangalan si Marian

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Si Marian Rivera ang kauna-unahang celebrity endorser ng Personal Collection, isang direct selling company na distributor ng maraming produkto from home care, fragrances, health care, apparel, at personal care.

Ginanap ang contract signing cum presscon sa pagitan ng  Personal Collection at Marian last Tuesday, March 4 sa Luxent Hotel Ballroom na dinaluhan ng mga executives ng kumpanya. Tuwang-tuwa si Marian nang kanyang malaman na ang pagkakapili sa kanya bilang celebrity endorser ay idinaan pa sa survey sa iba’t ibang dealers ng kumpanya nationwide at siya ang pina­boran. Dahil dito, binigyan si Marian ng Dealer’s Choice Award.

Ayon kay Marian, naniniwala at gumagamit siya sa mga produkto ng Personal Collection kaya niya tinanggap ang alok na maging product endorser.

Ramdam din ni Marian ang importansiya na ibi­ni­bigay sa kanya ng kumpanya kaya ganundin ang kanyang suporta sa mga produkto na kanyang iniendorso na ang pinakabago ay ang concentra­ted fabric conditioner na Sof & MMMMM Premium Fragrances na may tatlong kulay – orange, yellow green, at violet.

Still on Marian, ongoing pa rin ang kanyang serye sa GMA, ang Carmela with Alden Richards at tuloy pa rin ang kanyang pangangalap ng tulong para makapagbigay ng bangka sa mga mangingisda na sinalanta ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.

Asawa ni Wally sobra ang pagka-martir

Klinaro uli ni Wally Bayola na hindi siya sinuspinde ng Eat Bulaga kundi siya mismo ang nagkusa na huwag magpakita sa long-running noontime show dahil sa sobrang kahihiyan. Nagkulong siya sa kuwarto, nag-iiyak at dumating pa sa punto na gusto niyang tapusin ang kanyang buhay. Ang sex video ay nangyari nung 2010 pero nung nakaraang taon (2013) lamang lumutang. Ang buong akala ni Wally ay katapusan na `yon ng kanyang buhay at ng kanyang karera. Pero nagpasalamat siya sa Diyos na hindi siya tinalikuran ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Kung hindi marahil sa suporta at strength na nakuha niya sa kanyang misis na si Riza at mga anak, baka tuluyan nang bumigay si Wally. Sobra ang pagiging understanding ng misis ni Wally at alam din niya ang tungkol sa kanyang mister at kay Yosh. Sa halip na awayin niya si Yosh ay pinangaralan pa niya ito. Kung naibang babae lamang ang misis ni Wally ay baka hiniwalayan siya nito noon pa mang ma-discover niya ang relasyon ng kanyang mister sa EB Babe dancer. Pero mas pinahalagahan niya ang kanyang pamilya lalupa’t meron silang isang anak na may sakit na cancer.  Dahil depleted na ang kanilang pera, kinausap ni Wally ang TV exe­cutive at manager niyang si Malou Choa-Fagar kung puwede siyang bumalik sa pagkanta sa Zirkoh para sa pantustos ng pangangailangan ng kanyang pamilya at gamot ng kanyang anak at pinayagan naman siya. Lalong natuwa si Wally ng sabihan siya ng kanyang manager na balik-Eat Bulaga noong nakaraang buwan.

Pinagsisihan ni Wally nang husto ang kanyang naging kasalanan na sumubok sa katatagan ng kanyang pamilya sa kabila ng mga nangyari. 

Ang mag-asawang Wally at Riza ay may limang anak. Apat na babae at isang lalaki.  Pangalawa naman ang kanilang anak na may cancer.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

CHOICE AWARD

DAHIL

EASTERN VISAYAS

EAT BULAGA

KANYANG

PERSONAL COLLECTION

SIYA

WALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with