^

PSN Showbiz

Zaijian, Raikko, at Xyriel magandang pagsama-samahin sa isang project

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung ang child actor na si Zaijian Jaranilla ay nabigyan ng break ng ABS-CBN sa pamamagitan ng May Bukas Pa kung saan siya gumanap sa papel na Santino, ang five-year-old star namang si Raikko Mateo ay biggest break ang Honesto na malapit na ring magtapos sa ere.

Tulad ng May Bukas Pa, nakapag-instill ng positive values sa mga bata at sa mga manonood ang Honesto.

Wala pang follow-up project si Raikko after Honesto but for sure niluluto na ang kanyang susunod na teleserye.

Maging si Xyriel Manabat ay naging ins­tant child star dahil sa kanyang pagganap sa 100 Days to Heaven.

Since pumapasok na sa pagiging tinedyer at awkward stage si Zaijian, hindi na ito gaanong nabibigyan ng malalaking proyekto tulad ng May Bukas Pa at Lorenzo’s Time. Maganda siguro kung pagsasamahin sina Zaijian, Xyriel, at Raikko sa isang TV project. Maganda siguro kung ang magiging plot ay magkakapatid sila na nagkahiwa-hiwalay since birth dahil sa kahirapan ng kanilang mga magulang at isa-isa silang pagtatagpuin ng tadhana.         

Anyway, patuloy ang ABS-CBN sa pagtuklas ng mga bata na kayang ma-transform bilang major child stars balang araw.

Jewel nawala na lang sa Kapamilya

Sa lahat ng mga transferee sa ABS-CBN from GMA, tanging si Jewel Mische lamang ang hindi naging maingay at umangat ang career. Ano nga kaya ang nangyari sa kanya at bakit biglang tahimik ang kanyang kampo?

Since her transfer to ABS-CBN, binigyan siya ng magkakasunod na proyekto at kasama na rito ang tambalan nila ni Gerald Anderson pero hindi ito naka-take off. Bakit kaya?

vuukle comment

GERALD ANDERSON

HONESTO

JEWEL MISCHE

MAGANDA

MAY BUKAS PA

RAIKKO

RAIKKO MATEO

XYRIEL MANABAT

ZAIJIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with