^

PSN Showbiz

Vhong ayaw pa ring makita ang grupo nila Cedric Lee, preliminary investigation sa DOJ walang planong siputin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Lumabas ang pagkabungisngis ni Regine Velasquez sa Sarap Diva na mapapanood bukas ng umaga dahil sa mga special guest niyang sina Anton Diva, Ate Reg, at Ate Glow.

Bukod sa ibinahagi nilang specialty na inihanda nila para sa Asia’s Songbird, wala silang ginawa kundi ang magpatawa lalo na ang pag-impersonate nina Ate Reg at Anton Diva.

Si Ate Glow naman ay ibinahagi ang kuwento ng love life na nakatakda nang magpakasal sa British fiancé niya.

PAK: Nakakaloka ang bonding nina Ogie Alcasid at Bayani Agbayani sa taping ng bagong tawa-serye nilang Confessions of a Torpe.

Kapag nasa set daw sila at ’pag breaktime, nawawala bigla sina Ogie at Bayani dahil ang ginagawa nila ay “dumudumi” raw sila.

Sabay daw sila sa magkatabing cubicle at doon na raw sila nagdudumi.

Nakakaloka na ’yun daw ang madalas nilang ginagawa kapag nasa taping. Niyayaya raw nila si Wendell Ramos, ayaw daw sumama sa kanila. “Kaya ang baho niya,” natatawang singit ni Bayani.

Ganun sila kakomportable sa isa’t isa, kaya masaya sila sa taping na tinutuloy pa nila sa mga eksena nila sa Confessions of a Torpe.

Magsisimula na ito sa Lunes ng 7:30 ng gabi kapalit ng Madam Chairman.

BOOM: Itutuloy nga­yong araw ang prelimi­nary investigation ng mga kasong isinampa ni Vhong Navarro kina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at mga kasamahan nito sa Department of Justice.

Hindi pa rin sisipot si Vhong dahil hindi pa naman siya kailangan.

Ang kailangan daw ngayon ay ipi-present na ng kampo nina Deniece at Cedric ang iba pang kinasuhang nambugbog na sina JP Calma at Jed Hernandez.

Dapat ay mag-submit na rin sila ng counter-affidavit na sabi nga ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, “Hopefully, they’ll tell the truth.”

 

vuukle comment

ALMA MALLONGA

ANTON DIVA

ATE GLOW

ATE REG

BAYANI

BAYANI AGBAYANI

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with