^

PSN Showbiz

Showbiz kasalan sunud-sunod ngayong 2014

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang longtime sweethearts (10 years) na sina Drew Arellano at Iya Villania ang first celebrity couple na nagpakasal sa taong 2014. Ito’y susundan ng kasal nina Karylle at Sponge Cola frontman na si Yael Yuzon on March 31. Nakatakda namang ikasal on May 1 ang magkasintahang Jericho Rosales at Kim Jones at June bride naman si Boots Anson Roa na ikakasal for the second time sa longtime family friend nila ng kanyang yumaong asawang si Pete Roa na si Atty. King Rodrigo. Ang couple ay nakatakdang ikasal on June 14, ika-75th birthday ng groom at ito’y gaganapin sa Archbishop Palace sa Mandaluyong City sa ganap na ika-5:00 ng hapon.

Other couples na inaasahan at hinuhulaang ma­papakasal sa taong ito ay ang magkasintahang Jo­ross Gamboa at model GF na si Katz Saga, Luis Man­zano, at Angel Locsin. Matagal na ring lumulutang ang balitang pagpapakasal ng magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera ganoon din naman sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Nariyan din si Denise Laurel sa kanyang cager boyfriend na si Solomon Mercado. Engaged na rin si Aiza Seguerra sa kanyang GF of more than one year na si Liza Dino. Sina Nadine Samonte at Richard Chua at maging si Erich Gonzales sa kanyang non-showbiz BF.

Luis at Angel sini-share ang kanilang kaligayahan

Alam mo, Salve A., we believe na last Ja­n­uary pa nagkabalikan ang dating magkasinta­hang Luis Manzano at Angel Locsin nang magkasama ang dalawa sa remote telecast ng ASAP sa Dubai pero ka­­­makailan lamang nila kapwa inamin.

Si Angel ang unang nagpahayag na may nararamdaman pa rin siya sa dating nobyo at naging hint ito kay Luis na muling ipagpatuloy ang panunuyo sa aktres.

Ibang-iba ang glow ngayon kina Luis at Angel magmula nang sila’y magkabalikan after five years of separation at hindi pag-uusap. This time, hindi na marahil papayagan ng couple na masira pa ang kanilang relasyon at malamang na ito’y mauwi na sa kasalan. Luis is 32 turning 33 on April 21 at magtu-29 naman si Angel on April 23.  Magkasunod lamang ang kanilang birthday, two days apart kaya pagkatapos ng Valentine’s day, malamang na joint birthday celebration ang gawin ng dalawa. 

Nagpahayag na rin ang ina ni Luis na si Ba­- ­ta­n­gas Gov. Vilma Santos na gusto na niyang magkaroon ng apo sa kanyang panganay na si Luis.

Ang maganda kina Luis at Angel, they share their happiness to the public unlike other couples na ipinagkakait ang anumang impormasyon na meron sila sa publiko.

Personal:  Happy birthday on March 3 kay Baby Gil ng Viva Entertainment at sa yumaong action star na si Rudy Fernandez.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANGEL

ANGEL LOCSIN

ARCHBISHOP PALACE

BABY GIL

BOOTS ANSON ROA

CARLA ABELLANA

LUIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with