^

PSN Showbiz

Singer-comedienne nairita sa pagbubuhay ng nakaraang relasyon sa actor-politician

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kita ang pagkairita ng singer-comedienne (SC) sa paulit-ulit na pagtatanong ng kausap na reporter sa past relationship niya sa isang sikat na actor-politician (AP). Sinabi na ni SC na nakaraan na ang pangyayaring ’yun sa buhay niya, ayaw pa ring tumigil ng reporter at inalam kung married na si AP nang manligaw sa kanya.

Naintindihan ng ibang press people ang pagkairita ni SC, naririnig kasi ng anak ni AP ang mga tanong ng reporter tungkol sa ama nito. Magkasama sina SC at anak ni AP sa isang soap at magkaharap pa nang ma-interview at nagkaka­rinigan ng mga itinatanong sa kanila.

Para tigilan na lang siya ng reporter, sabi ni SC, hindi na binata si AP nang makilala at manligaw sa kanya at naghiwalay silang best of friends.

Jonalyn inayos ang ilong para kontrahin ang mga napapangitan

Ang taray ng sagot ni Jonalyn Viray sa tanong kung may regrets siya sa pagkabuwag ng La Diva. Ang sagot nito,  “Sa lahat nang nangyari sa buhay ko, wala akong pinagsisihan.”

Hindi guest ang La Diva sa Fearless concert ni Jonalyn na gagawin sa Music Museum sa Feb. 28. Sina Regine Velasquez, Bre­­nan Espartinez, at Kuh Ledesma ang guests na ang concept ay focused sa pagiging solo performer niya kaya wala sina Maricris Garcia at Aicelle Santos. Iimbitahan daw niya ang dalawa to watch her concert.

Anyway, naikuwento ni Jonalyn na sa nine years niya as a singer, ang mga panlalait sa kanyang hitsura ang isa sa mga hindi makakalimutan ni Jonalyn. Wala raw siyang X factor dahil pandak, maitim, at hindi siya maganda. Dinamdam niya noong una ang mga panlalait pero nasanay siya at natutong manamit at mag-ayos ng sarili, may nanlalait pa rin sa kanya, pero natuto na siyang i-handle at hindi na nasasaktan.

Nakatulong ng malaki ang pagpapaayos niya ng ilong pero ayaw na niyang may ipaayos pa sa mukha, hanggang ilong na lang ang ipaaayos niya.

 

vuukle comment

AICELLE SANTOS

JONALYN

JONALYN VIRAY

KUH LEDESMA

LA DIVA

MARICRIS GARCIA

MUSIC MUSEUM

NIYA

SINA REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with