^

PSN Showbiz

Andre naiiyak tuwing nami-miss ang kapatid na si Kobe

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Medyo emotional si Andre Paras kapag napapag-usapan ang ka­patid niyang si Kobe Paras na nag-aaral na sa Amerika.

Ngayon lang kasi sila naghiwalay nang matagal kaya naiiyak daw talaga siya kapag nami-miss niya ang kanyang kapatid.

“I do cry because I miss him so much,” pakli ni Andre.

Kahit nga raw si Kobe ay umiiyak din pero kailangan daw niyang mag-concentrate sa pag-aaral sa Amerika at lalong nagpakadalubhasa sa pagla­laro ng basketball.

Kaya si Andre naman ay naka-focus sa trabaho rito. Excited siya at malapit na niyang simulan ang pelikulang Diary ng Panget sa Viva Films.

PAK: Nataranta ang mga taga-Sunday All Stars (SAS) sa pagkadapa ni Bernie Feniza ng grupong Hagibis sa performance nila kahapon.

Reunion ang theme ng SAS at isa sa naimbitahan ay ang Hagibis.

Kaya lang pagpasok nila, biglang nadapa si Bernie, kaya pinagtulungan itong makatayo.

Natapos pa rin naman ang number pero hindi na gaanong nakakasabay si Bernie.

Pagkatapos ng kani­lang number, binanggit ni Sonny Parsons na kagagaling lang pala ni Bernie sa atake sa puso at mabuti naka-reco­ver na ito.

BOOM: Pinabulaanan ni Cedric Lee ang nasagap naming kuwentong sinugod siya ni Boy 2 Quizon sa 71 Gramercy nung nakaraang linggo at gusto siyang bugbugin.           

Ang bersiyon naman ni Cedric, narinig daw ng isang kaibigan na may sinabi si Boy 2 laban kay Cedric kaya pasakal daw na dinala ang aktor sa harap.

Ang sabi ng negosyante, hindi naman daw nakaimik si Boy 2.

Pero ang kuwento naman daw ni Boy 2 sa ilang kaibigan, si Ced­ric daw ang hindi nakaimik nung magharap sila.

Hindi natin alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

                                                                          

vuukle comment

AMERIKA

ANDRE PARAS

BERNIE

BERNIE FENIZA

CEDRIC

CEDRIC LEE

DAW

HAGIBIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with