^

PSN Showbiz

Luis pag-iipunan pa ang kasal kay Angel sa 2015

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kinumpirma ni Luis Manzano na sila na talaga ngayon ni Angel Locsin. Matagumpay nilang nabalikan ang naunsiyami nilang pag-iibigan ng aktres. Kasabay nito ay itinanggi naman ng magaling na TV host na mayroong kasalang magaganap sa ka­nilang dalawa ngayong 2014.

“Sabi ko nga nag-iipon pa kami ni Angel. Baka sakali sa 2015,” tugon ni Luis sa tanong ng naba­balitang pagharap nila sa dambana.

Sinasabi rin ng aktor na tatawagan niya ang premyadong TV host na si Boy Abunda kapag pinal na’t kumpleto ang plano nila. Kung tatawagan niya si Boy para ipaalam ang plano nila o para kunin itong ninong sa kanilang kasal ay hindi na nilinaw pa ni Luis.

Carla ayaw sa beach o sa garden ikasal

Samantala, nilinaw ni Carla Abellana na walang malisya ang sinabi niyang ang kanyang lola ang pinaka­magandang babae sa mundo. Hindi ito patama kay Marian Rivera na siyang sinasabing pinakamagandang ba­bae sa balat ng lupa sa teleserye nitong Carmela.

“Wala kaming away ni Marian. Wala rin kaming samaan ng loob. Nagkataon lang na pino-promote na siya as the most beautiful para sa kanyang TV series nang sabihin ko naman na para sa akin ang lola ko ang pinakamagandang babae sa mundo. Wala ’yung malisya,” paliwanag ng aktres.

Bagama’t wala pang plano ng pagpapakasal sa kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann ay napilitang magsabi ng kanyang dream wedding nang matanong tungkol dito.

“Ayaw ko ng garden o beach wedding. Gusto ko sa simbahan ikasal dahil Katoliko ako at konserba­tibo pa. Pero malayo pa ito dahil gusto ko na pati sa financial side ay okay na kami when we marry kaya mag-iipon pa kami,” imporma ni Carla.

Xian epektibo kahit wala si Kim

Mukhang maibabalik na kay Xian Lim ang pag­hanga ng maraming tagasubaybay niya na na­wala dahil sa itinuturing na “pambabastos” na ginawa niya sa isang ka-lookalike ni Kim Chiu sa isang TV prog­ram na nilabasan niya. Hindi tinanggap ng maganda ng ma­nonood ang reaksiyon niya at pagsasabi na mas kamukha ito ng Kapusong si Bea Binene kaysa ng kanyang ka-love team. Xian has apologized to both the imperso­nator and Bea for his misdeed.

At habang ipinahihiram ng ABS-CBN ang kanyang kapareha kay Coco Martin para sa bagong teleseryeng Ikaw Lamang, hindi naman nagpapa­baya si Xian, nagpapaka-busy din siya. Nagbigay ito ng isang napaka­gandang performance sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya nung Sabado kapareha ni Bangs Garcia. Napakaga­ling niya sa nasabing episode kung kaya na-conclude ng marami na epektibo rin siyang leading man kahit hindi si Kim ang kapareha niya.

Cedric nawalan ng pag-asa sa paglayas ng abogado

I’m sure malaking kabawasan sa kaso ni Cedric Lee at mga kasamahan ang pagbitiw ng sikat na abogadong si Raymond Fortun para maging taga­pagsalita nila. Marami rin ang nagtaka at nagalit sa sikat at de-kampanilyang abogado nang tanggapin niya ang offer na maging tagapagsalita ng grupong kalaban sa kaso ni Vhong Navarro.

Kung ang pagbabasehan ay ang perception ng publiko ay may tulog nga sa kanilang laban sina G. Lee pero sa tulong ni Atty. Fortun ay nabigyan sila ng pag-asa. With his resignation, balik to zero ang grupo.

Hindi minabuti nang nag-resign na abogado ang ginawa nilang hindi pagtupad sa napagkasunduan nila na lahat ng mga salita na manggagaling sa panig ng kliyenteng si Lee ay kailangang mangga­ling sa mga abogado nila. Tsk, tsk, tsk.

Jonalyn nagka-break na sa acting

Gumaya na rin pala si Jonalyn Viray sa mga dating mga kasamahan niya sa grupong La Diva na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia, sumasabak na rin siya sa pag-aartista. Kasama siya sa indie film na Catleya na nagtatampok kay Glaiza de Castro. Bagama’t support lang ang kanyang role sa film bilang kaibigan ni Glaiza, thankful na rin ang magaling na singer na nagka-break na rin siya sa acting. Wish niya na sana ay magtuluy-tuloy na ito. Pero hindi siya nawawalan ng project bilang singer, may naka­takda siyang concert sa Music Museum sa Feb. 28 to celebrate her ninth year na kumakanta. Huwag n’yong iismolin ang kanyang concert dahil ang lalaki ng mga guest niya tulad nina Regine Velasquez, Kuh Ledesma, at ang nakasabayan niyang nanalo sa isang singing contest ng GMA na si Brenan Espartinez.

Hanggang ngayon wala pa ring nakakapagbigay linaw kung bakit nabuwag ang La Diva gayong isa ito sa pinakamagaling na trio na nabuo sa local music scene. Bakit nga ba, Jonalyn?

 

vuukle comment

KANYANG

LA DIVA

NIYA

RIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with