^

PSN Showbiz

Eh bakit daw active sa social media pralalang hindi makakain at walang kinakausap si Xian hindi pinaniniwalaan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Tama ang desisyon ni Vhong Navarro na huwag gamitin ang bullet proof vest at helmet na pilit na ipinapasuot ng kanyang mga police escort dahil magiging katawa-tawa siya.

SCENE: Ang businesswoman na si Janet Lim-Napoles ang huling personalidad na naging katawa-tawa sa paningin ng lahat dahil pinagsuot siya ng mga pulis ng bullet-proof vest at helmet sa kanyang pagharap noon sa senate inquiry.

SEEN: Malapit nang i-resume ni David Archuleta ang naudlot na singing career dahil nakumpleto na niya ang 2-year missionary work para sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints na mas kilala bilang Mormon Church.

Active member ng Mormon Church si David at ang kanyang pamil­ya.

SCENE: Ang taping kahapon sa GMA 7 ng 18th anniversary show ng Walang Tulugan na mapapanood nga­yong gabi hanggang bukas nang madaling-araw.

SEEN: Kulay puti ang suot ng mga naulila ni Gerry Velasquez nang ihatid ito kahapon sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Tabang, Plaridel, Bulacan.

Si Mang Gerry ang music mentor ng kanyang anak na si Regine Velasquez.

SCENE: Ang pahayag ni Manila City Mayor Joseph Estrada na hindi natatakot ang pamilya niya sa puwedeng ibunyag ng kanyang dating sekretarya na si Ruby Tuason na umamin na ito ang nagbigay kay Senator Jinggoy Estrada ng mga kick-back mula sa pork barrel scam.

SEEN: Sa February 17 ang pilot telecast ng Innamorata, ang dramatic at mystifying afternoon drama series ng GMA 7. Bidang-bida si Max Collins sa Innamorata.

SCENE: Pinagtaasan ng kilay ang pralala ni Kim Chiu na hindi makakain at walang kinakausap si Xian Lim dahil apek­tado ito ng mga bira tungkol sa pang-iisnab niya sa look-alike ng ka-love team sa Chinese New Year episode ng Banana Nite.

Walang naniniwala sa pralala dahil active na active si Xian sa Twitter at Instagram.

vuukle comment

BANANA NITE

CHINESE NEW YEAR

CHURCH OF JESUS CHRIST OF LATTER

DAVID ARCHULETA

GERRY VELASQUEZ

INNAMORATA

JANET LIM-NAPOLES

KIM CHIU

MORMON CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with