^

PSN Showbiz

Regine natatakot mawalan ng boses, ayaw umiyak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinusubukang magpakatatag ng Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kabila nang pagpanaw ng kanyang ama na si Mang Gerry.

Isa sa mga pinipigilan ni Regine ay ang pag-iyak lalo na’t nalalapit na ang kanyang Valentine Concert kasama si  Concert King Martin Nievera.

Aniya ayaw niyang mawalan ng boses sa kanyang concert na inaalay niya rin para sa kanyang ama na pumanaw nitong kamakalawa dahil sa heart failure sa edad na 76.

“Ang prayer ko is to be able to do the concert without crying,” kuwento ni Regine sa kanyang panayam sa telebisyon.

 â€œAyaw ko rin munang umiyak at maging emotional nitong buong week na ‘to kasi mauubos ko ang boses ko. So iiyak ako after the concert na lang,” dagdag ng singer na pinipilit tumawa sa kabila ng kalungkutan.

Kuwento pa ni Regine na si Mang Gerry ang kanyang numero unong tagahanga kaya naman aawitin niya ang pabiritong kanta ng ama na “The Leader of the Band.”

 â€œHe’s my number one fan. He never missed a show, a concert, an album,” wika ng TV host/singer.

vuukle comment

ANIYA

AYAW

CONCERT

CONCERT KING MARTIN NIEVERA

ISA

LEADER OF THE BAND

MANG GERRY

SONGBIRD REGINE VELASQUEZ

VALENTINE CONCERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with