^

PSN Showbiz

Unang anibersaryo ng Wagas swak sa Buwan ng mga Puso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siguradong mas tatamis ang buwan ng mga puso dahil apat na espesyal na kuwento ng tunay na pag-ibig ang tampok sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng weekend romantic program na Wagas ng GMA News TV.

Magsisimula ngayong Sabado ang four-part anniversary special ng Wagas tampok ang pag-iibigan nina veteran actress Boots Anson-Roa at ng abogadong si Atty. King Rodrigo. Ang kuwentong ito ay gagampanan nina Jaclyn Jose at Allan Paule with the special participation of Anita Linda. 

Isang palatandaan mula sa Diyos ang hiniling ni Boots para malaman kung panahon na para siya ay muling umibig. Pero hindi akalain ni Boots na ang nakatadhana palang magbibigay sa kanya nito ay ang kababata at balo ring si King! 

Tampok rin ngayong Pebrero ang kuwento ng pag-ibig ng isang magsasaka at isang magbuburda na umusbong sa panahon ng digmaan. Gagampanan nina Rhian Ramos at Marc Abaya, alamin kung paanong napagtibay ng mag-asawa ang kanilang pagsasama. 

Susundan naman ito ng kuwento ni Octoman na kahit may special condition ay nakatagpo ng isang babaeng magmamahal ng tunay sa kanya kasama sina Rocco Nacino at Bela Padilla. At ang pinakahuling kuwento naman ng tungkol sa pag-ibig na walang pinipiling kasarian tampok sina Bettina Carlos, Kevin Santos, at Rod­jun Cruz mula sa hit na primetime series na My Husband’s Lover.

Abangan ang mga nakakakilig na kuwentong pag-ibig na ito sa buong buwan ng Pebrero sa month-long first anniversary special ng Wagas tuwing Sabado, 7 p.m., sa Channel 11.

vuukle comment

ALLAN PAULE

ANITA LINDA

BELA PADILLA

BETTINA CARLOS

BOOTS ANSON-ROA

JACLYN JOSE

KEVIN SANTOS

KING RODRIGO

MARC ABAYA

WAGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with