^

PSN Showbiz

Anne suportado ang ginawang pagdedemanda ni Vhong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masaya raw si Anne Curtis para sa kaibigang si Vhong Navarro dahil kinakaya ng aktor na harapin ang dulot ng gulong nangyari noong isang linggo.

“You know for me kasi I’m just happy that talagang he’s safe. I’m happy that he’s getting through this. Kasi napakahirap para sa isang tao na pagdaanan iyon. Siyempre mato-traumatize ka. So, I’m happy that he’s getting through it. He’s being strong,” pahayag ni Anne.

Nakapagsampa na ng kaso ang TV host-comedian laban sa mga taong sangkot sa pambubugbog sa kanya kabilang na sina Cedric Lee at Deniece Millinette Cornejo. Samantala, katulad ni Deniece ay napabalitang mayroon pa raw ibang babae na posibleng lumabas at magsampa rin ng reklamo laban kay Vhong.

Ano kaya ang reaksiyon ni Anne tungkol dito?

“I don’t think there is anything I can say to that because I don’t know about it. I don’t know. For me, he’s always treated me well. He’s always been a gentleman to me. So, I have nothing bad to say about Vhong. Kita naman lahat how he is on screen. Gano’n din siya sa akin off screen. Sobrang bait po niya, sobrang bait,” giit ng aktres.

Ngayon ay hindi pa sigurado si Anne kung makakabalik kaagad sa kanilang programang It’s Showtime si Vhong.

“Wala pa siguro. One day at a time for him and we’ll just be here to support him, no matter what,” pagtatapos ni Anne. 

BB mag-susundalo sa pelikula ni Robin

Ikinalungkot daw ni BB Gandanghari ang hindi niya pagkakasama sa pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak na pinagbibidahan ng pa­milya Padilla. Kabilang na rito ang kapatid ni BB na si Robin Padilla at mga pamangking sina Kylie, Daniel, Bela, RJ, at Matt. Dapat daw ay kasama si BB sa pelikula ngunit kasalukuyan siyang nasa New York noon habang ginagawa ang nasabing proyekto.

“Hindi maliwanag ’yung ipapagawa nila sa akin that time kasi nga parang hindi ko na ini-explore because wala naman ako dito. Nakakahinayang,” naka­ngiting bungad ni BB.

May naalala raw siya nang mapanood ang pelikula ng kanyang mga pa­milya.

“Sabi ko nga kay Mariel (Rodriguez), noong pinapanood ko ’yung first two parts, napi-feel ko ’yung ginawa namin before. Hopefully this will be more successful. In any case let’s just enjoy this film kahit wala ako,” dagdag niya.

Hindi man nakasama ngayon si BB ay dapat naman daw abangan ng mga manonood ang nakatakda niyang gawing pelikula kung saan ay makakasama na niya ang pamilya Padilla.

“’Yun ang abangan nila. Ayaw ko munang sabihin ngayon pero that’s very interesting. Lahat mai-excite yata roon. Unang-una, producer ako. Pangalawa, ako ay sundalo na medal of valor kasi gusto kong bigyan ng recognition ang ating Philippine Marines,” pagbabahagi ni BB.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

CEDRIC LEE

DENIECE MILLINETTE CORNEJO

NEW YORK

PADILLA

PHILIPPINE MARINES

ROBIN PADILLA

SA NGALAN

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with