^

PSN Showbiz

Fans ni Angel ayaw tantanan ang buntis na ‘GF’ ni Phil?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nabasa namin ang post ni Melissa Mendez sa Instagram ni Angel Locsin na nakiusap na paki­usapan ang fans niya na ’wag i-bash ang anak na si Denisse Oca dahil buntis ito at inisip na si Phil Younghusband ang ama nang ipinagbubuntis at rason nang breakup nina Angel at Phil.

Post ni Melissa: “Please help coz my daughter is being bashed by your fans re your break up with Phil making dales accusations etc. Have a heart to aide my daughter coz she’s pregnant fighting her own battles and now she’s being bashed by your fans being the reason why you and Phil broke up and you know the truth. It’s bad for the baby that Denisse is being put to this. Thank you and pls tell your fans to be considerate and realize the plight of my daughter.”

Sagot ni Angel: “Tita, katulad ng mga nagba-bash po sa akin, hindi ko rin po ito kontrolado. Hindi ko rin po alam kung fans nga ba ang may kagagawan o mga nanggugulo lang po talaga. Pero susubukan ko po para ho sa inyo. Tita, mas mabuti po sana kung nag-usap tayo ng private para hindi makadagdag pa ng gulo sa inyo at sa totoo lang po, iniiwasan ko talagang pag-usapan ang break up dahil hindi po magandang pag-uugali ‘yun. Baka mas mabuti kung si Phil po ang kausapin nyo tungkol dito. Sana ho main­tindihan n’yo. Nakita ko lang po ang pictures nila to­gether pero hindi ko po ta­laga nakilala pa ang anak nyo. Pasensya na po kung nahihirapan ho sya sa kalagayan nya nga­yon. Iwas na lang po sana sa social media para hindi sya masyadong ma-stress.”

Itinanggi ni Denisse ang balitang si Phil ang ama nang ipinagbubuntis sa tweet na “Not true”.

Reaction naman ni Phil: “There is no truth to any of this. It’s sad to see it has come to this. I just want to concentrate on my family and football.”

Ayan, case closed na dapat! Pagbubutas ng piso sa ginawang kuwintas ni Agot may permiso sa Central Bank

Baka gawing isyu ang binutas na one peso sa pilot episode ng Carmela. Ipinauna ni Helen Sese, ang program manager ng soap na pinayagan sila ng Central Bank of the Philippines na butasin ang one peso at ga­wing locket ng kuwintas na unang suot ng karakter ni Agot Isidro at napunta kay Marian Rivera.

Sumulat ang production staff sa Central Bank at sinagot din sila ng sulat na pumapayag sa kanilang ipinaalam. Kaya malaki ang piso dahil na-issue ito noon pang 1982.

Papasok din si Jaclyn Jose sa Carmela at gaganap na ina ng karakter ni Alden Richards. Nakalimutan naming itanong kung anong week mapapanood si Jaclyn na guest sa soap na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

ANGEL LOCSIN

CARMELA

CENTRAL BANK

CENTRAL BANK OF THE PHILIPPINES

DENISSE

DENISSE OCA

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with