^

PSN Showbiz

Kung mangangaliwa ang mapapangasawa: Angel lalaban, hindi magpapaka-martir

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Sa presscon ng The Legal Wife ay hindi pinayagang makapagtanong ng personal question ang entertainment press kaya naka-focus lang sa pelikula ang atensiyon ng manunulat.

Kapag napapanood ni Angel Locsin ang trailer ng teleserye ay puro pasasalamat ang nasasambit nito dahil nakabuo ang director at scriptwriter ng ganito kagandang kuwento na makaka-relate ang mga manonood. Sabi nga ni Direk Rory Quintos, ibinatay nila ang The Legal Wife sa mga research tungkol sa buhay ng may-asawa.

Ayon naman kay Angel, ‘‘Bilang artista ay makakapagbigay kami ng inspirasyon sa mga manonood dahil sa gagaling ng mga kasamahan kong artista, magaling ang mga director, at may mensahe lang na maging totoo pagdating sa pag-ibig.”

Bagama’t tatlong taon bago nasundan ang teleserye, na ang huling ginawa ni Angel ay ang Imortal, ay gumawa naman ng mga pelikula ang magandang aktres at nagkamit pa ng best actress award sa iba’t ibang award-giving bo­dies. Gumawa rin ito ng sitcom na Toda Max at napatunayan na hindi lang siya magaling sa drama kundi may timing din sa pagpapatawa.

Magaganda ang mga dialogue na binitiwan ni Angel sa The Legal Wife at isa na rito ay ang “Akin ang asawa ko, akin siya.” Nang tanungin namin ng hypothetical question na kung mangyayari sa tunay na buhay ang pangangaliwa ng kanyang asawa ay ano ang gagawin niya?

‘‘Ipaglalaban ko ang aking pag-ibig. Hindi ako magpapaka-martir pag­dating sa pangangaliwa ng aking asawa,’’ sabi ni Angel.

Paranormal, magbabagong anyo

Inaabangan na ngayon ang ka­­tatakutang pelikulang Paranormal Activity: The Marked Ones. Umikot ang istorya kay Jesse, isang high school graduate na misteryosong nagkaroon ng kagat sa braso. Waring nagkaroon ito ng kakaibang kakayahan.

Samantala, napatay ang kapitbahay na si Anna na ang suspect ay si Oscar na kamag-aral ni Jesse. Nang pasukin nila ang kuwarto ni Anna ay nakita niya ang black magic rituals at litrato ni Jesse.

Si Jesse ay nagbago ng anyo at wala nang kontrol sa sarili dahil sa kakaibang kapangyarihan. Wa­ring may ibang sumasapi sa kanya.

Abangan ang kahila-hilakbot na mga pangyayari sa Paranormal Activity: The Marked Ones. Palabas na sa Jan. 29.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DIREK RORY QUINTOS

LEGAL WIFE

MARKED ONES

NANG

PARANORMAL ACTIVITY

SI JESSE

TODA MAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with