^

PSN Showbiz

Robin binigyan ng malaking TF si Daniel

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung trailer lamang ng Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak, dating Kuratong Baleleng, ang pagbabasehan wagi na ang pelikula na nagtatampok kay Robin Padilla, sa kanyang asawang si Mariel Rod­riguez, anak na si Kylie Padilla, pamangkin sa ina na si Bela Padilla, at mga pamangkin at magkakapatid na Daniel, RJ, at Matt Padilla, at nakatakdang mapanood sa mga huling araw ng buwang ito, simula sa Jan. 29.

Maging si Robin ay napahanga sa ginawang pagpili ng Star Cinema na siyang magri-release ng kanyang pelikula ng mga eksena na ginagamit sa promosyon.

Ang nakakapigil lamang para magkaroon ng agam-agam ang manonood na maganda nga ang ka­buuan ng pelikula ay ang hindi pa pamilyar na pangalan ng direktor nito na si Jon Villarin.

Matagal-tagal na ring walang ganitong uri ng pelikula na lumalabas, matangi lamang sa ilan na nakitaan ng malaking kakulangan ng manonood. Pero rito sa pelikula ng mga Padilla ay nakasisiguro ang mga manonood na magugustuhaan nila. It comes right after 10,000 Hours na nanalo pa ng best actor si Robin.

Idagdag mo pa ang pagkakasama sa cast ng mga batang Padilla na ngayon ay nagsisimula na ring gumawa ng pangalan bilang mga artista. Pina­ngungunahan sila ni Daniel Padilla na inaasahang su­sunod sa yapak ni Robin at ngayon pa lamang ay sinasabi nang nakakaagapay sa itinuturing na pinaka-sikat na action star na nagtataglay ng pangalang Padilla. Katunayan, kahit wala silang pinag-usapang talent fee ay ginawa ito ng teen actor para sa kapa­kanan ng pamilya.

Si Robin mismo ang may gusto na bayaran ang naging serbisyo niya sa pelikula at hindi niya binarat ang pamangkin. Ibinigay niya ang presyo nang naayon sa posisyon na ini-enjoy ni Daniel ngayon bilang artista at, ayon kay Mariel, malaki raw dahil siya ang humahawak ng budget ng produksiyon. Malaki ang bayad ni Daniel pero hindi ito naging dahilan para isipin ni Robin na huwag nang tapusin ang pelikula, na siya niyang ginagawa kapag lumalaki na ang budget ng pelikula.

Mabuti at palaging naroon ang kapatid niyang si Rommel Padilla para kumbinsihin siyang tapusin nila ito. Nagalit si Robin nang gawan nila ng karakter si BB Gandanghari bilang isang lalaki pero tumanggi ang huli dahil hindi na nga naman niya makakaya ang role. Nagalit din si Binoe nang magkaroon ng problema sa gagawing paggi-guest ng boyfriend ni Kylie na si Aljur Abrenica.

“Wala akong pasensiyang tao pagdating sa pagpo-prodyus ng pelikula. Galit ako agad kapag gastos na ng pelikula ang pinag-uusapan. Mabuti at naririyan si Mariel para tulungan ako. Napaka-bayolente ko ring tao, sigaw ako nang sigaw sa set. Kung hindi dahil kay Rommel ay baka hindi natapos ang pelikula. Three years nga in the making ang pelikula. Ilang ulit ko itong inayawan. Itinuloy ni Mariel, ’tapos ng Viva, ’tapos ni Bechay (isa niyang pinagkakatiwalaang tauhan). ’Tapos natigil ulit. Si Rommel ang naging bridge para lamang ito matuloy at matapos,” pag-amin ni Robin.

Klinaro rin ng aktor na ang Kuratong Baleleng na tinutukoy sa kanyang pelikula ay hindi ’yung grupo na gumagawa ng masama at nanghoholdap ng bangko. Sila ’yung grupo na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan sa isang lugar sa Mindanao. Si Robin mismo ang nakaisip at sumulat ng istorya at talagang puntirya niyang gawin itong hard action.

Bela inaming hindi kabilang sa mga angkan ng Padilla

Masaya si Bela Padilla dahil nakasama siya sa pelikula ng mga Padilla kahit pa isa siyang Cariño, ang lola niya at ang ina ni Robin na si Eva Cariño ay magkapatid. Wala naman siyang narinig na pagtutol nang mag-artista siya at nagpasyang gamitin ang Padilla bilang screen name niya. Nakasama siya sa 10,000 Hours na kung saan ay appreciated ni Binoe ang naging partisipasyon niya.

Mariel ‘di pa sure sa pagbalik sa ABS-CBN

Nanay pala na may siyam na anak ang role ni Mariel sa pelikula ng angkan ng kanyang asawang si Robin. Biruin mo eh sa tunay na buhay ay wala pa silang anak ni Robin at inamin nila pareho na malayo pang mangyari na magkaanak sila dahil ini-enjoy pa nila ang isa’t isa.

Inamin ni Mariel na intimidated siya sa mga Padilla, lalo na kay Robin, dahil manggagaling silang lahat na umarte. “Alam ko lalamunin nila ako ng buhay, lalo na ni Robin dahil hindi naman talaga ako artista. ’Tapos mga in-law ko pa silang lahat so, I had to put my best foot forward,” paliwanag nito.

Pero when she was asked kung sino ang peg niya sa pagganap sa kanyang role — ito ba ay si Mommy Eva? — sinabi nito na ibinatay niya ang kanyang role sa totoong character na pino-portray niya, isang Nanay Indah na buhay pa hanggang ngayon.

Tungkol naman sa sinasabing pagbabalik-ABS-CBN niya, sinabi nito na hanggang ngayon ay under negotiation pa ang lahat. “Wala pang pinal,” sabi niya.

vuukle comment

BELA PADILLA

KURATONG BALELENG

MARIEL

NIYA

PADILLA

PELIKULA

ROBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with