^

PSN Showbiz

Maja bawal makialam sa love scenes nina Gerald at Angelica

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa teleseryeng Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis ay isang pelikula pa raw ang nakatakdang gawin ni Gerald Anderson at ang makakasama naman ng aktor si Angelica Panganiban.

“May mga bagong challenge, may mga bagong role na gagampanan, so I am very excited sa fans at audience. Part ako sa dalawang napakagandang projects, wala na akong mahihingi kay God for 2014. Ang ganda ng simula,” bungad ni Gerald.

Sa bagong pelikula ay magkakaroon daw ng maiinit na eksena ang aktor at si Angelica kaya ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na raw ito ni Gerald.

“Hindi na ako kakain, kailangan nang mag-workout. Of course these kinds of movies katulad ng sinabi ni Direk (Ruel Bayani), is about passion, pagmamahal. I don’t know, ako nakagawa ng love scene for OTJ. It’s a different kind of love scene and for sure malayo ro’n sa ginawa ko before so it is something to look forward to,” paliwanag ng aktor.

Wala kayang magiging problema sa kasintahan ni Gerald na si Maja Salvador kung matutuloy ang daring scenes ng aktor sa pelikula kasama si Angelica.

“Ako, before, nagkaroon ako ng relationship and I was an actor so I am just doing my job. Kumbaga kinuha ako ng Star Cinema to do this role and I am just very blessed na pinili ako and I have a director who I am very comfortable with and a new leading lady. I have the convenience that the person I am in a relationship with is also an actor, so, nagkakaintindihan kami,” giit ni Gerald.

Angeline nag-aasam ng concert sa Araneta

Matagal nang pinapangarap ni Angeline Quinto na magkaroon ng solo concert sa Smart Araneta Coliseum.

“Ngayong 2014 po, dream ko po talagang magkaroon ng sariling concert sa Araneta. 2013 pa lang bago matapos ’yung taon last year, pangarap ko na talaga magawa ngayong taon. So, ’yun talaga ang ipinagdadasal ko at sana matupad,” nakangiting pahayag ni Angeline.

Plano raw ng singer na makapag-concert kapag natapos na ang bahay na kanyang pinapagawa ngayon.

“Eighty percent na po siya ngayon kasi ang plano po ay February 20 po ang blessing ng bahay kasi third year ko po sa Showbiz sa February 20, ’yun po ’yung nanalo ako sa Star Power so, gusto ko kasabay po,” paliwanag ni Angeline.

Nasubukan na rin ng dalaga na makagawa ng soap opera at pelikula pero gusto na munang pag­laanan ng panahon ni Angeline sa ngayon ang pagkanta.

“Sa totoo lang po medyo nahihirapan po akong pagsabayin ang pagkanta at pag-arte at alam naman po nila ’yun. So kung mabibigyan po ako ng chance, siguro gusto ko po talagang mag-focus muna sa music kasi nag-umpisa po akong mahalin ng mga tao sa paggawa ng teleserye theme songs. Gusto ko pong makagawa ng mga teleserye theme song na kakantahin ko para sa kanila,” pagtatapat ng singer.

Samantala, nailabas na rin kamakailan ang pangatlong album ni Angeline na may titulong Higher Love.  Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELINE QUINTO

ANNE CURTIS

ARANETA

GERALD ANDERSON

HIGHER LOVE

MAJA SALVADOR

RUEL BAYANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with