^

PSN Showbiz

Sarah L. magtatrabaho na uli sa Kapuso?

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Pabalik na ng bansa ang controversial actress na si Sarah Lahbati kasama ang nobyong si Richard Gutierrez galing sa kanilang long vacation sa Amerika. Kasama si Sarah sa horror movie na Basement na co-produced ng GMA Films at Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.  Will she be allowed na mag-promote ng pelikula sa mga programa ng GMA 7 matapos ang kanilang demandahan ng president ng GMA Films na si Atty. Annette Gozon-Abrogar, anak ng chairman ng GMA na si Atty. Felipe Gozon?

Tapatan nina Marian at Angel inaabangan

Mukhang may bago na namang aabangan ang televiewers sa pagsisimula ng kauna-unahang teleserye ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa taong 2014 at first project din niya matapos niyang mu­ling pumirma ng panibagong exclusive contract with the Kapuso Network. Ito ay ang Carmela na pinamamahalaan ng mahusay na director na si Dominic Zapata na siya ring nagdirek ng huling drama series ni Ma­rian, ang Temptation of Wife na nagbigay sa aktres ng kanyang kauna-unahang acting award.   

Nagmula rin kay Direk Dom sa isa pang hit TV series, ang My Husband’s Lover na siyang nag­lunsad sa hit na tambalan nina Dennis Trillo and Tom Rod­riquez along with Carla Abellana.

Sa teaser pa lamang ng Carmela na ipinakita du­ring the grand press launch ay mukhang isa na namang kapana-panabik na mga episode ang aabangan at matutunghayan ng mga manonood gabi-gabi.

Ang Carmela ay nakatakdang magsimula sa darating na Enero 27.

‘Away’ iinit uli

Alam mo, Salve A., hindi na yata maiiwasan ang rivalry sa pagitan nina Angel Locsin at Marian Rivera kahit hindi naman nila pareho gusto na mangyari.

Kung matatandaan pa, si Angel ang reyna noon sa bakuran ng GMA nang siya’y magdesisyon na lumipat sa ABS-CBN. Nang umalis si Angel, na-elevate sa kanyang status bilang female lead ng Kapuso Network si Marian. Kung hindi sana umalis noon si Angel sa GMA, sa kanya sana ibibigay ang TV remake ng Mexican telenovela na Marimar pero sa kanyang pag-alis, si Marian ang nakinabang.

“Marimar” launched Marian into full stardom na si­nundan pa ng TV remake ng Darna na unang gi­nam­panan sa telebisyon ni Angel sa bakuran ng GMA.  

Hindi man parehong gusto nina Angel at Marian na sila’y pagsabungin lalo pa’t dati silang magkasama sa Kapuso Network, hindi naiwasan ang kumpetisyon sa kanilang pagitan. Nabura ang gap ng dalawa nang sila’y magsama bilang cover ng isang glossy magazine last year but it seems na hindi pa rin tapos ang rivalry sa kanila ngayon dahil sabay na magbubukas o magsisimula sa Jan. 27 ang ka­nilang magkahiwalay na TV drama series, ang The Legal Wife ni Angel sa ABS-CBN at Carmela ni Marian sa GMA.

Ang tanong, alin sa dalawang magkahiwalay na programa ang mas papaboran ng televiewers at mangunguna sa ratings?

Personal…

Welcome home sa anak kong si Aila Marie Reyes, who is back for her last school vacation in Japan. She leaves for Seoul, South Korea on Jan. 26 for her graduating trip with her classmates and professor. March 18 ang kanilang graduation ceremony sa Kwansei Gakuin University in Nishinomiya City, Japan.


 

vuukle comment

AILA MARIE REYES

ANG CARMELA

ANGEL

CARMELA

GMA

KAPUSO NETWORK

MARIAN

MARIAN RIVERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with