^

PSN Showbiz

Dennis nagpapatayo na ng bahay para sa magiging asawa?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

 

Anyway, kahapon nag-expire ang kontrata ni Dennis sa GMA Network at sabi ng manager nitong si Popoy Caritativo, wala pang final sa renewal, inaayos pa. Pero nakakabahala ang una nitong sagot.

Si Dennis naman nag-post sa IG about making decision na ang dating sa kanyang fans ay lilipat na siya. Maghintay tayo ng balita tungkol dito.

Anyway, sa mga naghihintay ng mall show nina Dennis at Tom Rodriguez para sa promo ng TomDen album nila under GMA Films, wala silang schedule this Sunday, sa Jan. 26 ang next schedule nila sa Robinsons Place Manila. Second pa lang ito sa remaining five mall shows ng dalawa.

Martin nag-i-enjoy sa pagiging chickboy

Pinag-react namin si Martin Escudero sa billing niya sa mala-Bollywood mo­vie na Mumbai Love ng Capestone Pictures at Wanderlust Project Films na showing sa Jan. 22, distributed ng Solar Films, at sa direction ni Benito Bautista.

Marami sa nakakita sa poster at trailer ng movie ang naniniwalang hindi siya nabigyan ng tamang billing. Under the title at nauna sa kanya sa billing si Jayson Gainza, pero sabi ni Martin, hindi sila nagpabaya ng parents niya na managers niya ngayon sa billing niya, nakipag-usap sila sa producers.

Nasa Facebook palang daw ang poster, nag-react na sila, sabi ng producer hindi pa final ’yun at aayusin. Umaasa si Martin na maihahabol ang bagong poster bago ang showing ng movie. Hindi man maayos ang billing niya, bonus na lang niya sa mga producer na mabait sa kanya at galante pero hindi na raw dapat maulit.

Best friend ni Solenn Heussaff ang role ni Martin sa Mumbai Love. Ayaw lang sabihin kung may kissing scene sila pero may dance number siya. Kasama siyang nag-shooting sa India na different experience for him.

Sa TV, mapapanood sa Obsession ng TV5 si Martin, airing na sa Jan. 23. Chickboy at daring siya rito, maraming kissing scenes kina Bianca King, Neri Naig, at iba pang guest stars. Tingin namin, nag-i-enjoy siya sa kanyang role.

Rachelle Ann may serye pa bago magpa-London

Magkakaroon ng farewell concert si Rachelle Ann Go bago siya lumipad for London, England para sa Miss Saigon. Billed Miss Rachelle ang concert na gagawin sa Meralco Theater sa Pasig City sa Feb. 22. Sa first week of March yata ang alis niya for London.

Wala pang ibang details ang concert maliban sa si Rachelle Ann mismo ang producer nito, her second time of producing her own concert at tutulungan na lang siya ng Viva Entertainment. Hindi pa pinalalabas kung sino ang director at kung may guests sa kanyang concert, at kung meron sana kasama si Christian Bautista.

The last time nakausap namin si Rachelle Ann, nabanggit na dahil wala siyang love life, wala siyang maiiwang boyfriend. Pero ngayon, may Slater Young na makaka-miss sa kanya habang one year siyang nasa London.

Teka lang, nabasa namin ang pangalan niya na kasama sa Rhodora X, tuloy pa kaya siya sa soap nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi eh aalis nga siya? O baka naman madaling mawawala ang karakter niya.

Plano kina Carla at Tom maiiba dahil kay Dennis

Nag-resume na ng shooting ang Let’s Take a Chance, ang movie nina Carla Abellana, JC de Vera, at Tom Rodriguez under Regal Entertainment. Si Jun Lana ang direktor ng rom-com movie na March daw ang playdate.

Sunud-sunod ang shooting ng movie this January hanggang February para mahabol ang March playdate.

Pelikula muna ang ginagawa nina Tom at Carla habang wala pa silang bagong TV show sa GMA 7. Natatandaan naming sinabi ni Ms. Lilybeth Rasonable na bibigyan muna ng kanya-kanyang soap sina Carla, Tom, at Dennis Trillo habang pinag-aaralan kung muli silang pagsasamahin o kung itutuloy ang Book 2 ng My Husband’s Lover.

 

vuukle comment

BENITO BAUTISTA

BIANCA KING

BILLED MISS RACHELLE

CARLA

JAN

MUMBAI LOVE

NIYA

RACHELLE ANN

SIYA

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with