^

PSN Showbiz

Dahil sa retoke, Angeline kamukha na ni Regine

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang effect ng face and body enhancement sa singer-actress na si Angeline Quinto dahil malapit na ang kanyang hitsura sa  kanyang idol, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at hindi naman siguro niya ikakaila na produkto rin siya ng `Salamat po, doctor’.

Nakakatuwa si Angeline kapag siya’y tinatanong o in-interview ng press dahil napaka-trans­parent niya sa kanyang mga sagot at malabong maglihim ito tungkol sa kanyang sarili laluna pagdating sa love life na gustung-gusto na niyang magkroon. Napapabalita na sila na umano nga­yon ng Prince of Pop na si Erik Santos.

 â€œSana siya na nga,” asam ni Angeline na napakaganda at seksi ngayon.

Pero consistent pa rin si Angeline sa pagsasabing crush niya si Coco Martin na nakatambal niya sa isang pelikula. Pero alam ni Angeline na maraming fans ni Coco ang magagalit kung maging sila kaya tama na raw na maging magkaibigan na lamang sila.

Aiai tatlong taon nawalan ng teleserye

May tatlong taon na ang last TV series ng comedy queen na si AiAi delas Alas, ang Binondo Girl kung saan din unang napansin ang baguhang actor noon na si Richard Yap na sumikat sa tawag na Papa Chen. After Binondo Girl ay ngayon lamang muling   mapapanood ng regular si AiAi sa isang fantaserye, ang TV remake ng Dyesebel na tatampukan ni Anne Curtis with Gerald Anderson and Sam Milby.

Masayang-masaya si AiAi sa pagsisimula ng taon lalupa’t dalawang malulungkot sa pangyayari ang kanyang naranasan last year – ang controversial short-lived marriage and separation with Jed Salang at ang pagkamatay ng kanyang biological mother na si Gregoria delas Alas.

Ayon kay AiAi, positibo siya na mas magiging maganda at mabunga para sa kanya ang taong 2014.

Producers ng MLB kayang bigyan ng bahay at lupa ang Aleng maliit

Kung nanaisin ng apat na producer ng box office hit movie na My Little Bossings na sina Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films, Vic Sotto ng M-Zet Films, Tony Tuviera ng APT Entertainment at Kris Aquino ng Kris Aquino Productions, kaya nilang bigyan ng bonus na isang house-and-lot si Aleng Maliit na si Ryzza Mae Dizon. Malaking factor si Ryzza at bunso ni Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap sa tagumpay ng pelikula sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Hindi pa nagbibigay ng thanksgiving party ang mga producer ng MLB at malamang na ito’y matuloy any day dahil nakabalik na sa bansa si Kris at dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby na sa London nagbakasyon sa pagtatapos ng taong 2013.

vuukle comment

AFTER BINONDO GIRL

ALENG MALIIT

ANGELINE QUINTO

ANNE CURTIS

BIMBY AQUINO YAP

BINONDO GIRL

BOSS ORLY ILACAD

COCO MARTIN

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with