^

PSN Showbiz

Piolo tuloy ang pagtanggap ng mga donasyon, nagpapatayo na ng bahay sa mga na-Yolanda

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Halos araw-araw daw nagsyu-shooting ngayon si Piolo Pascual ng kanilang kauna-unahang pelikula ni Toni Gonzaga. Ngayon ay abala rin ang aktor sa pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Yolanda sa pamamagitan ng kanyang Hebreo Foundation.

“Yes, with the foundation that we have, my fa­mily and I are working hand in hand to do something sustainable at hindi immediate lang kasi marami pa rin namang nagpapadala ng mga aid at tulong,” naka­ngiting pahayag ni Piolo.

“So what we’re going to do is go there, check some barangays, check out some communities, and build houses for them. Build      houses, livelihood, pero ang immediate na need talaga nila ay matitirahan. So we are talking with some groups already through the foundation. There are people who have been sending money from the States sa foundation. Some of my fans have already sent five thousand dollars, one thousand gano’n. Everything goes to the foundation and we want to use that money para hindi lang immediate need kundi para lang mabigyan ng kabuhayan ang mga kababayan natin.”

Samantala, ngayon ay binata na ang anak ni Piolo na si Iñigo. Marami tuloy ang nagtatanong sa aktor kung nagpaplano na ba siyang makipagre­lasyon muli o kaya naman ay mag-asawa na. “You know there are things that are inevitable I guess. ‘Yung mga pag-aasawa lahat naman ‘yan mangyayari. Hindi natin kailangan na ipilit na ‘yun ang gusto mo ngayon. I still have a son to attend to and I pro­mised him to spend more time with him before he is eighteen. So gusto ko pa ring tuparin ‘yung pangako sa kanya na ‘yun,” giit ni Piolo.

Arjo bibinyagang Beki

Magaling na aktor ang anak ni Sylvia Sanchez ni Arjo Atayde. Kamakailan ay nanalo ang binata bilang best supporting actor sa Star Awards for Television 2013 para sa teleseryeng Dugong Buhay.

Ayon sa aktor, gusto rin daw niyang subukan na makagawa ng isang comedy project pero bukas ay kakaibang Arjo muna raw ang mapapanood sa Maalaala Mo Kaya (MMK).

Mula sa paggawa ng action scenes sa dating teleserye ay isang bagong karakter naman ang gagam­panan ni Arjo sa MMK. Bibigyang buhay ng aktor ang karakter ni Jess na mas kilala sa tawag na Mommy Beki.

Makakasama ni Arjo sa nasabing episode sina Ella Cruz, Ismael Clavero, Felix Roco, Assunta de Rossi, Via Veloso, Eliza Pineda, at marami pang iba. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ARJO

ARJO ATAYDE

BAGYONG YOLANDA

DUGONG BUHAY

ELIZA PINEDA

ELLA CRUZ

FELIX ROCO

HEBREO FOUNDATION

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with