^

PSN Showbiz

Leading lady ng isang serye suka nang suka sa taping

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nabahala ang staff ng isang soap nang makitang nagsusuka ang kanilang leading lady at dahil may boyfriend, inisip agad nila na baka buntis ang aktres. May rason nga silang mabahala kung tama ang kanilang hinala dahil siguradong maaapektuhan ang taping ng soap.

Bale ba, hindi nila matanong ng deretso ang aktres kung buntis ito bilang respeto rito at alam din nilang magagalit ito, kaya tahimik na lang silang nakiramdam. Ilang araw ding nagsusuka sa taping ang aktres, kaya ganun na lang ang tuwa ng staff nang malamang hindi buntis ang aktres.

Matagal pa ang tatakbuhin ng soap, hindi maganda kung ngayon magbubuntis ang aktres. Dasal ng staff, ’wag munang magpabuntis ang aktres hanggang hindi pa nagla-last day ang taping ng soap.

Rachelle Ann at Slater Young may relasyon na

Hindi lang pala sina Max Collins at Pancho Magno ang new showbiz couple dahil humabol pa sina Rachelle Ann Go at Slater Young. Inamin na ni Slater na nagdi-date sila ni Rachelle Ann, ang singer-actress, hindi pa nai-interview tungkol dito.

Sa press screening ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, magkasamang nanood sina Ra­chelle Ann at Slater at may sightings din sa kanila sa ilang public places. Ibig sabihin, hindi nila inililihim ang gumaganda nilang relasyon.

Pinoproblema nga raw ni Slater ang naka-schedule na pag-alis ni Rachelle Ann for London, England dahil sa Miss Saigon. Sa March na siya nakatakdang lumipad at one year siya sa London. Ang payo ng nakausap na reporter ni Slater, dalawin niya na lang sa London ang singer-actress at nabanggit din naman nito na welcome sa kanya ang mga kaibigang bibisita.

Kundi kami nagkakamali, sa isang kapatid ni Chris Tiu last na-link si Rachelle Ann. Ob­viously, hindi na sila nagkikita at hindi natuloy sa relasyon ang paglabas-labas nila. Nang tanungin si Rachelle Ann tungkol doon, “wala” ang sagot nito.

Kris nagbebenta ng LV bags para makabili ng Hermes

Nagbebenta ng kanyang Louis Vitton (LV) bags sa Instagram si Kris Bernal at ang bilang namin, apat na LV bags ang kanyang ibinebenta. Ginamit na ng aktres ang mga bag pero tiniyak nitong in good condition ang mga ito at hindi magsisisi ang mga bibili.

Visit n’yo na lang ang Instagram (IG) niya para malaman kung anong klaseng LV bags ang for sale at kung magkano. Sa nakita namin, pinakamahal ang ibi­nebenta niya ng P85,000 from its original price na P142,000.

Sa huling pagbisita namin sa taping ng Prinsesa ng Buhay Ko nina Kris at Aljur Abrenica, nabanggit nitong gusto niya ng Birkin bag ng Hermes. Tama ba kaming ang pagbebentahan ng LV bags niya ang ibibili ng pinapangarap na Birkin bag?

Samantala, New Year’s resolution ni Kris ang mag-excel sa lahat nang ginagawa at gagawin pa niya. Gusto niyang ma-discover pa ang iba niyang talents at kung may libre siyang oras, gusto niyang mag-dance lessons at partikular na pag-aaralan ay jazz.

TV5 pinupuri sa pag-iwas sa pangongopya ng Koreanovela

Parang magiging controversial ang bagong show ng TV5, ang adaptation ng US series na Pretty Little Liars dahil ngayon pa lang, may mga nagre-react na sa ginawa ng network. At ang mga nagre-react ay ang viewers ng US series dahil natatakot silang hindi masabayan ng local version ang US series.

May mga curious at nagtatanong na sa cast ng local adaptation ng Pretty Little Liars dahil ang kilala lang nila ay si Sophie Albert, female winner ng Artista Academy. Ang hindi alam ng marami, galing din sa Artista Academy sina Chanel Morales at Stephanie Rowe. Ang newcomer lang sa cast ay si Danielle Lee, sister ni Divine Lee.

May pumupuri rin sa TV5 dahil umiba sila sa nakasanayan ng Koreanovela ang ina-adopt, sila US series. Bongga! Hindi pa lang namin alam kung sino ang director ng Pretty Little Liars at sino ang iba pang kasama sa cast.

vuukle comment

AKTRES

ALJUR ABRENICA

ARTISTA ACADEMY

DAHIL

LANG

PRETTY LITTLE LIARS

RACHELLE ANN

SLATER YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with