^

PSN Showbiz

John Lloyd hindi kayang tingnan ng harapan si Toni

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa January 5 ay mapapanood na ang pina­kabagong proyekto sa telebisyon nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Magkatambal ang dalawa sa sitcom na Home Sweetie Home ng Kapamilya network.

Ayon kay John Lloyd ay gusto raw niyang maging katulad ng John En Marsha nina Dolphy at Nida Blanca noon ang kanilang bagong programa na talaga namang naging bahagi na ng buhay ng bawat Pinoy. “Puwede mo siyang i-compare doon pero kasi ‘yung John En Marsha, sila ‘yung representative ng typical Pinoy household. Hindi rin puwedeng malayo ang klase ng househould na mayroon kami sa Home Sweetie Home. Basta very now, very present,” paliwanag ni John Lloyd.

Malaking karangalan daw para sa aktor na makasama si Toni sa nasabing proyekto. “From film, nagamit namin ang tandem namin sa sitcom. Which is parang kabaligtaran ng normal trend. Ibang-iba na ito. Ang gusto ko sanang mangyari dito, sana tumagal at maging parte rin kami ng bawat Pinoy household. Sana magustuhan nila, sana tangkilikin nila. Matagal na akong fan ni Toni. If you remember, nagkasama kami sa maging Sino Ka Man Book 2. Noong mga panahon na ‘yun, hindi ko pa siya kayang tingnan ng harapan. Noong ginawa namin ‘yung My Amnesia Girl, na-outgrow ko. Now, na-discover ko na I’m still a fan especially after ng hosting stint niya sa The Voice, I discovered na parang walang siyang hindi kayang gawin,” pagbabahagi ni Lloydie.  

Kathryn tinuruan sa buhay ni Daniel

Ngayong araw ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Pagpag: Siyam na Buhay na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Matagal na ring magka-M.U. o mayroong mutual understanding sa totoong buhay sina Daniel at Kathryn. Masayang-masaya raw si Daniel dahil bukod sa suportang nakukuha mula sa kanilang mga tagahanga ay palagi rin daw nakasuporta sa kanila ang mga magulang. “Hindi naman po mawawala sa mga magulang ang paggabay. Mas marami na silang alam sa ganito so nakikinig na lang kami,” bungad ni Daniel.

Ayon sa binata ay palagi rin daw siyang pinaaalalahanan ng inang si Karla Estrada tungkol sa kanila ni Kathryn. “Kayo ni Kathryn, relax lang kayo. Alagaan mo dahil babae ‘yang si Kathryn, relax ka lang DJ (palayaw ni Daniel). Dadating din ang panahon, basta ngayon magtrabaho kayong mabuti at mag-enjoy kayong magkasama,” kuwento ni Daniel.

Malaki naman ang pasasalamat ni Kathryn sa binata dahil palagi raw itong nariyan para sa kanya. “Masaya ako dahil okay siyang kaibigan, na taga-advice mo and totoo siya. Siya ang nagturo sa akin ng reality. Before hindi ko alam ‘yung mga bagay, siya ‘yung mas matured kasi, so tinuruan niya ako sa mga realidad ng buhay,” pahayag ni Kathryn.            Reports from JAMES C. CANTOS     

vuukle comment

AYON

DANIEL

HOME SWEETIE HOME

JOHN EN MARSHA

JOHN LLOYD

KATHRYN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with