^

PSN Showbiz

Enrique si Sarah lang ang naiisip na ka-partner!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman parang gustong manligaw ni Enri­que Gil kay Sarah Geronimo. Kaya walang da­pat ipag-worry ang fans ni Matteo Guidicelli o mis­mong ang aktor na hinihinalang siyang karelas­yon ngayon ng Pop Princess. Paghanga lamang ang nararamdaman ni Enrique kay Sarah at purely professional ang kagustuhan niyang makapareha ito sa susunod niyang proyekto. Ito naman ay kung babasbasan ng ABS-CBN ang kahilingan niya.

Sa isang interview, sinabi ng aktor na feeling niya ay bagay silang magkapareha. Pareho silang umaarte at parehong performer. “Wala akong maisip na puwede kong maging kapareha kundi siya. Sana nga magkaroon ng chance na magkasama kami,” wish niya.

It seems Enrique has been getting his wishes lately. Nakapareha na niya halos lahat ng available female artist na kaedad niya o nalalapit sa edad niya. At lahat naman ay tinanggap ng manonood.

Ang iba nga ay tinanggap ng manonood na hindi lamang niya kabagay sa screen kundi maging out of it. Tulad ni Julia Montes. Pero sa tagal na nilang magkapareha ay tila walang nade-develop na relas­yon na higit pa sa magkaibigan o magkapareha. To their credit, they still remain as one of the favorite onscreen romances. Fans are looking forward kung tulad ni Julia Montes, magkakaroon din sila ng ma­lakas na chemistry ng isa pang Julia, si Julia Barretto, na naatasan siyang “binyagan” sa unang pagbibida nito sa Mira Bella.

Jolo nagsalita na sa ‘pagbubuntis’ ni Jodi

Nagsalita na rin finally si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa kanyang Facebook at Twitter accounts hinggil sa bali-balitang buntis ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria. Sinabi niya na una at huling pagsasalita ang gagawin niya tungkol sa isyu.

“Hindi buntis si Jodi at hindi pa kami kasal. What we have is special and we want to keep it private because I love her so much. Kung sakaling totoo man ’yun, kayo po ang unang unang makakaalam,” sabi niya.

Kung magbubuntis man si Jodi ito ay para sa matagumpay niyang seryeng Be Careful With My Heart. At much awaited na ito ng fans nila ni Richard Yap.

KC nahihiya na i-level kay Eugene

Sa tagal ng naging presscon ng Shoot to Kill: Boy Golden, si KC Concepcion ang talagang nakinabang dahil halos wala nang hindi siya ikinuwento sa press habang hinihintay nila ang pagdating ni Boy Golden. Pero nakaalis at nakaalis na si KC ay wala pa rin ito.

Pero ginawan pa rin siya ng isang intimate presscon ng Viva Films na dahilan nga sa wala na siyang hindi nasabi tungkol sa pelikula nila ni Gov. ER Ejercito ay na-tackle tuloy ang posibilidad na maging best actress siya na for her role in the film. Nahihiyang sinabi niya na marami siyang magagaling na kalaban. She specifically mentioned Eugene Domingo.

Gerald binigyan uli ng karamdaman

Paboritong anak na nagselos sa pagmamahal ng kanyang magulang sa isang may karamdamang bata ang karakter na bibigyang buhay ni Gerald Anderson ngayong gabi sa Christmas episode ng Maalaala Mo Kaya.

Sa family drama episode na idinirek ni Nuel C. Naval, panoorin kung paano hahaplusin ang puso ni Edwin (Gerald) nang ang kanyang kinamumuhiang pamangkin na si JV (Bugoy Cariño/JB Agustin) ay dinapuan ng sakit na Thalassemia.

Posible bang hilumin ng isang karamdaman ang sugat sa isang pamilyang nalamatan ng galit? Tampok din sina Alicia Alonzo, Nanding Josef, Joshua Dionisio, Patrick Sugui, Shey Bustamante, Paolo Rivero, at Nico Antonio.

 

vuukle comment

ALICIA ALONZO

BE CAREFUL WITH MY HEART

BOY GOLDEN

BUGOY CARI

CAVITE VICE GOV

JODI

JULIA MONTES

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with