^

PSN Showbiz

Marian kakarerin ang pamimigay ng bangka

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tingnan mo nga itong si Marian Rivera at tala­gang pinag-isipan kung ano ang ibibigay niyang tulong sa mga biktima ng Yolanda. Nakapagbigay na siya ng cash, mga relief goods, at nakatulong sa personal na pagbibigay nito sa mga kinauukulan. Nga­yon naman ang pagbibigay ng bangka sa mga mangi­ngisdang ang mga gamit sa kanilang kabuhayan ay sinira ng napakalakas na bagyo ang pagtutuunan niya ng pansin. Sumama siya sa Adopt-A-Bangka project na pinamamatnugutan ng Kapuso Foundation. Aabot  P25-P30 thousand ang halaga ng bawat bangka, pero mas matagal itong mapapakinaba­ngan at mas marami ang mabibiyayaan kaya ito muna ang pagkakaabalahan ng aktres. Hindi naman siya mag-iisa rito, ngayon pa lamang ay marami na ang nagpasabi sa kanya na tutulong din sila.

Mabuhay ka, Marian.

Ejay nagpapatawa na rin

Matapos ang napakagandang proyekto niyang Dugong Buhay, sunud-sunod ang mga tinatanggap na proyekto ni Ejay Falcon na humahamon sa kanyang kakayahan. Sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay ipamamalas niya ang kanyang talento sa pagpapatawa. Tama ang unang narinig niyang mas mahirap gumawa ng comedy, pero sa tulong ng mga kasamahan  niya sa shooting, lalo na ni Wenn Deramas, nagawa niyang makipagsabayan sa bida ng pelikula na si Vice Ganda.

Sa indie film naman na Saka Saka ay aksyon ang binabanatan niya.

KC inaabangan kung anong ginawa kay ER

Marami ang excited na mapanood ang Boy Golden ni Gov. ER Ejercito. Paano ba naman si KC Concepcion ang leading lady niya. Gustong makita ng manonood kung mai-extend dito ng kabataang aktres ang galing na namalas sa kanya sa serye niyang Kung Mawawala Ka. Kontrabida siya dun na talagang tsinallenge siya para magbigay ng magandang performance, pero rito sa Boy Golden ay bida siya, will she be able to deliver, too? Aba­ngan natin.

vuukle comment

BOY GOLDEN

DUGONG BUHAY

EJAY FALCON

KAPUSO FOUNDATION

KUNG MAWAWALA KA

MARIAN RIVERA

SA GIRL

SAKA SAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with