^

PSN Showbiz

Paboritong front act ng mga international singer makikipag-tsikahan kay Edu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paskung-pasko na talaga sa episode ng What’s Up, Doods? mamaya, 10 p.m., sa TV5.

Makakasama at makakatulong ng batikang TV host-actor na si Edu Manzano sa pagpapalaganap ng saya’t ngiti ang batam-batang si Fitri Cerado, na maghahandog ng isang Christmas song.

Ise-share rin ni Fitri ang sariling karanasan sa pagtulong sa less fortunate children sa pamamagitan ng kanyang God-given talent.

Makikisaya rin ngayong gabi ang tinaguriang “big man” ng music na si Arthur Manuntag, na magpapakita ng kanyang world-class talent at aawit ng  What A Wonderful World sa tono’t boses ng siyam na artists.

Magkukuwento rin si Arthur kay Edu ng experience niya bilang paboritong front act ng mga sikat na international celebrity gaya nina Dionne Warwick at Marilyn McCoo.

Si Luke Mejares naman ang kukumpleto sa maagang Pamaskong episode ng patok na patok nga­yong late-night comedy talk.

Bukod sa pagse-share ng istorya sa likod ng muli nilang pagkikita ng amang matagal na nawalay sa kanya, ibabahagi rin ni Luke ang saya at ligaya ng kanyang pagiging ama.

Magbibigay din ito ng soulful rendition ng isang favorite Christmas carol.

’Yan at marami pang ibang pakulo ang naghihintay sa avid viewers ng pinag-uusapang What’s Up, Doods? ngayong gabi, alas-diyes, sa pinalakas na We Can Do It Better primetime block ng Kapatid network.

vuukle comment

ARTHUR MANUNTAG

BUKOD

DIONNE WARWICK

DOODS

EDU MANZANO

FITRI CERADO

SI LUKE MEJARES

WE CAN DO IT BETTER

WHAT A WONDERFUL WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with