^

PSN Showbiz

Sila na nga?! Kim Chiu at Xian Lim kasama pati pamilya sa kanilang mga ginagawa

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sina Kim Chiu at Xian Lim na ba? Kapag naggi-guest kasi sila sa KrisTV ay hindi na nila kinokontra ang assumption ni Kris Aquino na may relasyon na sila. Kaya naman si Tetay, tanggap na tanggap na ang relasyon nila.

Kung sabagay sa mga ibinibida ng dalawa na mga happenings nila ay para talagang may re­lasyon na ang dalawa. Hindi lang silang dalawa ang involved sa mga activities nila kundi maging kanilang mga pamilya. Pinakamalaking ipinagpapasalamat ni Xian ay ang ginawang paglalapit ni Kim sa kanya sa Diyos. Pati sa gawaing ito ay ginagawa nilang magkasama at regularly.

Marian inialay na naman ang kanyang award sa ‘kabiyak’

Kung sina Vice Ganda at Kris Aquino ay “asawa” ang tawagan sa isa’t isa, “kabiyak” naman ang term of endearment nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ito ay buong lugod na ipinaalam ni Marian sa lahat ng mga nakapanood ng live sa kanya sa isang awards ceremony na dinaluhan at pinanalunan niya. Hindi lamang inihandog ng magandang Best Drama Actress ng TV Star Awards ang kanyang panalo sa kanyang “kabiyak “kundi ipinagma­laki pa niya ang mga ginagawa nito na walang kinalaman sa showbiz.

Sa tagal ng relasyon ng parehong Kapuso artists, kasal na lamang nila ang hinihintay ng lahat. Pero tulad nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, wala pang tiyak na sinasabi ang dalawang pareha tungkol dito.

Sarah kumpirmadong kapamilya na ng mga Gutierrez

Dapat pangalagaan ni Richard Gutierrez ang kanyang pangangatawan. Marami ang nakapansin na dumoble ang timbang niya kaya halos magkakatawan na sila ng kakambal niyang si Raymond, na hindi problema ang kanyang pisikal na anyo dahil hindi naman ito artista kundi isang host.

Bukod sa isa sa mga showbiz bachelors na iniilusyon ng marami, si Richard ay isa ring heartthrob na kailangang parating physically fit.

Hindi naman siguro dahilan ang sinasabing pagi­ging ama niya ng baby ni Sarah Labahti para paba­yaan na niya ang kanyang pangangatawan.

Ang pagkakasama ni Sarah sa pamilya Gutierrez (Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez) sa panonood ng laban ni Manny Pacquiao sa Macau ay isa na namang matibay na dahilan para paniwalaan ang matagal nang hinihinala ng lahat sa pagkakaugnay nito kay Richard, lalo na ang hindi ma­matay-matay na balita na dinala niya sa kanyang sinapupunan ang anak nito.

Mga Honesto, dumarami na!

Yes, nagpapamalas na naman ng galing sa pag-arte sa seryeng Honesto si Joseph Marco na nagiging paboritong artista ng Dreamscape. Matapos ang stint nito sa Huwag Ka Lang Mawawala ay isang magandang role na naman ang ginagampanan niya sa Honesto bilang isang simpleng lalaki na may mababaw na pag-iisip.

Nagiging paboritong panoorin sa TV ang values-oriented na serye na nagtatampok sa baguhang child star na sa Raikko Matteo. Sa muling paglabas ni Paulo Avelino, ay inaaasahang mas iigting pa ang drama sa pamilya Layer na sa kakitiran ng pag-iisip ay puro dahas ang sagot sa mga problemang dumarating sa kanila. Paano mababago ng isang bata ang hindi magandang buhay ng kanyang mga tunay na kadugo?

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ANNABELLE RAMA

DINGDONG DANTES

DRAMA ACTRESS

EDDIE GUTIERREZ

KANYANG

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with