^

PSN Showbiz

Kris wala nang urungan ang paglipat sa bagong bahay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Maggi-guest sina Kris Aquino at anak na si Bim­by Yap, Jr. sa Vampire ang Daddy Ko, ang sitcom na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Oyo Sotto sa GMA 7. This Tuesday ang taping ng mag-ina at tiyak na riot ito dahil makakasama rin nila si Ryzza Mae Dizon na nasa cast ng sitcom at pelikulang My Little Bossings.

Kasama sa promo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Little Bossings ang gues­tings nina Kris at Bimby.

Ang abangan natin ay ang paggi-guest nina Vic at Ryzza sa Kris TV dahil siguradong mangyayari. Nag-guest na si Ryzza sa morning show ni Kris sa ABS-CBN at nag-guest na rin sina Kris at Bimby sa The Ryzza Mae Show and hopefully masundan pa dahil mahaba pa ang promo ng MMFF.

This week naman ang lipat ni Kris at mga anak sa bago nilang bahay sa isang gated subdivision na malapit lang. 

Kotse ni Tom nabangga habang minamaneho ng GF na si K-La Rivera

Hindi naman siguro magagalit si Tom Rodriguez sa girlfriend niyang theater actress na si K-La Ri­vera dahil ang dalaga ang nagda-drive ng Mazda 3 car niya nang banggain ng isang dump truck.

Last Saturday, Nov. 23, nangyari ang aksidente habang pauwi si K-La from Meralco Theater sa Pa­sig City after ng stage play na Addams Family. Basag daw ang harap ng kotse ni Tom pero ang ma­gandang balita, walang nangyari kay K-La dahil baka mapauwi ng hindi oras si Tom na nasa Amerika ngayon para sa My Husband’s Lover US tour.

Ang sweet nina Tom at K-La dahil pati kotse ng actor-singer, ipinapagamit sa huli. Nabangga nga lang na hindi naman sinasadya ni K-La. Tiyak nata­ranta si Tom!

Kahit pala sa Meralco Theater, naka­kuha pa rin kami ng tsika at sabi ng source namin ay dumadalaw si Tom sa re­hearsal ni K-La ng Addams Fami­ly at kung minsan ay sinusundo pa ang dalaga at sabay na silang umuuwi.

Kasama dapat si Tom sa Addams Family at siya sana ang gaganap na Lucas, ang fiancé ni Wendy Adams (K-La). Hindi lang natuloy ang aktor dahil sa US tour. Sayang dahil bagay sa kanya ang role ni Lucas na napunta sa American theater actor na si Ryan Gallagher.

Kier Legaspi walang pakialam sa gulo ng mga Barretto

Nalulungkot at na-shock si Kier Legaspi sa nang­yayari sa Barretto family at umaasa itong ma­ayos pa ang anumang problema ng pamilya na nakilala noong nagkarelasyon sila ni Marjorie Barretto. Okay daw sina Mike at Inday Barretto and that time na sila ni Marjorie, wala pa sa showbiz si Claudine Barretto.

Nagkaanak sina Kier at Marjorie at 19 years old na ang anak nilang si Dani Barretto na isang fashion blogger at stylist nga­yon. Proud si Kier sa narating ng anak at sila naman ni Marjorie ay in good terms. Hindi siya nagtatanong sa gulo ng mga Barretto ’pag nakakausap ang anak at kahit si Marjorie.

Anyway, kasama si Kier sa cast ng Akin Pa Rin ang Bukas bilang ama ni Agatha (Charee Pineda) nakakulong. Nagpapasalamat ito na kahit wala siyang kontrata sa GMA 7, sunud-sunod ang soap niya. Katatapos lang ng Mundo Mo’y Akin, kinuha naman siya para sa Akin Pa Rin ang Bukas at natutuwa siya dahil challenging ang kanyang role.

Honored din si Kier na maidirek ni Laurice Guillen.

Marian sumama sa relief operations sa halip na magtrabaho

Hindi natuloy kahapon ang first taping day ng Catarina (Ang Pinakamagandang Babae Sa Buong Mundo) at ang balita namin, sa December na sisimulan ang taping at tuluy-tuloy na bago mag-Christmas break. Maganda ito para mas mapaghandaan pa ng husto ang bagong soap ni Ma­rian Rivera.

 Sa halip na mag-taping, sumama si Marian sa Cebu para sa relief operations ng GMA Kapuso Foun­dation. Parang hindi puyat ang aktres dahil the night before, tinanggap nito ang best actress award niya for TV ng Star Awards para sa Temptation of Wife.

Kasama ni Marian sa cast si Direk Laurice Guillen na aarte this time, Agot Isidro, Jennica Garcia, Max Collins, Rochelle Pangilinan, Alden Richards, Raymond Bagat­sing, Mona Louise Rey, Andre Paras, at Roi Vinzon.

vuukle comment

ADDAMS FAMILY

AKIN PA RIN

BARRETTO

DAHIL

K-LA

KASAMA

KIER LEGASPI

MERALCO THEATER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with