^

PSN Showbiz

Bulinggit na komedyante gumastos ng P20K sa lalaki

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Proud na proud ang ilang Starstruck Batch 1 members ng kanilang mga anak na dumalo sa first birthday celebration ng anak ni Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara nung isang araw na ginanap sa Royal Palm Residences sa Taguig City.

Ilan sa mga naunang dumating ay sina Alvin Aragon at Katrina Halili dala ang kanilang anak na halos kaedad lang ng anak ni Yasmien.

Hindi dumating ang ilang kamiyembro ng Starstruck pero natutuwa si Yasmien dahil buo pa rin daw ang grupo nila, tuloy ang komunikasyon, at pinaghahandaan na nga nila ang kanilang 10th anniversary nung nakaraang taon.

PAK: Parang ayaw naming maniwala sa kuwento ng isang kaibigan tungkol sa isang babaeng maliit na nagko-comedy na hanggang ngayon ay lagi pa rin daw siyang bigo sa pag-ibig.

Ang wish na lang daw niya ngayon ay matsugi ng isang lala­king type niya kahit siya ang magbayad.

May nataypan daw siyang seksing lalaki na dating miyembro ng isang sexy all-male group.

Ginawan tuloy ng manager niya ng paraan na makausap ang lalaki pero tumanggi rin dahil baka hindi raw kayanin ng komed­yante. Sabi naman ng hitad na komedyante, kakayanin daw niya kahit siya pa ang magbayad.

Inalok ang seksing lalaki ng P20,000 basta mapagbigyan lang na matikman siya nitong komedyante. Kinagat naman at ang     latest na narinig namin tapos na raw at nagkatikiman sa halagang P20,000. Kaya masaya na raw ngayon si komedyante dahil nakatikim na rin ng lalaki kahit lagi na lang siyang bigo sa pag-ibig.

BOOM: Si Marian Rivera ang pinakamasaya sa nakaraang 27th Star Awards for TV sa pagkapanalo nito bilang best actress for drama sa magaling niyang pagganap sa Temptation of Wife.

Sabi ni Marian, lalo raw siyang na-inspire sa kanyang trabaho at susundin na rin daw niya ang payo ni Dingdong Dantes na dumalo sa Asian TV Awards sa Singapore na nominado rin siya bilang best actress para sa GMA remake ng Temptation of Wife.

                                                                   

vuukle comment

ALVIN ARAGON

AYESHA ZARA

DINGDONG DANTES

KATRINA HALILI

ROYAL PALM RESIDENCES

SABI

SI MARIAN RIVERA

TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with