^

PSN Showbiz

Ka Freddie nagmamadali nang anakan ang menor na napangasawa

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Wala nang magiging problema si Ka Freddie Aguilar sa kanyang batam-batang girlfriend. Pinakasalan na niya ito kaya paano pa siya mapagbibintangang nananamantala sa isang menor de edad? Sa kanyang pagmamahal dito ay pumayag siyang magpa-convert sa Islam.

Balak na nga niyang magkaroon ng panganay na anak na lalaki sa kanyang bagong misis.

Kung sabagay, hindi naman pagiging boyfriend lang ng girlfriend niya ang puntirya ng pamosong singer kundi ang pagiging mister nito.

Magagaling na singer hindi pumasa na Kim

Hindi naman ako maniniwalang may gagaling pang kumanta kesa sa mga Pilipino. Bagama’t nakuha si Rachelle Ann Go sa Miss Saigon na ipalalabas sa London, England hindi ang role ni Kim ang nakuha niya kundi ang role ni Gigi. Ang Kim ay nakuha ng isang Pinay din, pero Fil-Am, na nagnga­ngalang Eva Noblezada. Eh bukod kay Rachelle Ann ay marami pang ibang Pinay na nag-audition ang puwedeng-puwedeng maging Miss Saigon pero bakit kaya sila hindi pumasa sa panlasa ng mga nasa likod ng matagumpay na musical?

Hindi rin ako payag na kasing galing ni Lea Salonga ang bagong Miss Saigon. I’m sure mas magaling at mas maganda si Lea.

Judy Ann hindi na makakatapat si Ryan for medical reasons?

Buntis nga ba si Judy Ann Santos? Bakit naman ito pinagpapahinga? Kasisimula pa lamang ng kanyang Bet On Your Baby at kahapon lamang nagsimula ang labanan nila sa ere ng mister niyang si Ryan Agoncillo na feel ng marami ay dapat ginawan ng paraan ni Ryan para hindi sila magkatapat. Oo nga’t network decision ’yun pero hindi lang kami kundi marami rin ang naniniwala na may nagawa siya kung ginawan niya ng paraan para hindi sila magkaroon ng head-on collision na mag-asawa.

Kung iiwan ni Juday ang kanyang show for medical reasons, mawawala ang tapatan at siguradong kukuha ng ibang host ang ABS-CBN for the show pero hindi ba natatali sa kontrata si Juday sa palabas na ito na isang franchise from abroad?

 

vuukle comment

ANG KIM

BET ON YOUR BABY

EVA NOBLEZADA

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

LEA SALONGA

MISS SAIGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with