^

PSN Showbiz

Atty. Lorna Kapunan haharap sa taumbayan!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siguradong tututukan ng bayan ang pagharap ng dating abogado ng tinaguriang “pork barrel queen” na si Janet Lim-Napoles sa Face the People ngayong Lunes!

Walang takot na uupo si Atty. Lorna Kapunan sa silya de konsensya upang ilahad, sa unang pagkakataon, ang dahilan kung bakit siya bumitaw sa kanyang kliyenteng si Napoles. Sasagutin din ni Atty. Kapunan ang mga isyung nagsasabing hindi siya naging matapat na abogado kay Napoles.

Haharapin ni Atty. Kapunan ang whistleblower na si Jun Lozada at si Krissy Conti, isang aktibistang law graduate, na nagsasabing ’di dapat iniwan ni Atty. Kapunan ang kanyang kliyente. Ayon sa dala­wa, responsibilidad ni Kapunan ang ipagtanggol si Na­poles bilang isang abogado. Makakasama naman ni Atty. Kapunan ang isa pang kilalang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio. Ayon kay Atty. Topacio, protektado si Kapunan ng batas. 

Isa pang isyu, ano ang katotohanan na P100 million daw ang naging acceptance fee ni Atty. Kapunan sa kaso ni Napoles? 

Talagang dapat tutukan ang Face the People ngayong Lunes, 4:30 p.m., sa TV5!

vuukle comment

ATTY

AYON

FACE THE PEOPLE

FERDINAND TOPACIO

JANET LIM-NAPOLES

JUN LOZADA

KAPUNAN

KRISSY CONTI

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with